^

PSN Opinyon

Pinas, hindi pa handa sa “Offshore Windmills!”

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

“OFFSHORE windmills!” Magandang pakinggan na parang hi-tech solusyon sa problema ng kuryente. Ito ay malalaking turbina sa dagat na mistulang higanteng electric fan. Pero sa likod ng imaheng ito, nandyan ang matinding pagtutol ng mga taga-Ilocos Norte at Camarines Sur. Bakit?

Kasi nga, imbes na bumaba ang singil ng kuryente, lalong tataas ito dahil hindi naman mura ang pagpatayo nitong windmills. Siyempre, kung ikaw ba naman ang mamuhunan sa proyektong ito, saan mo babawiin ang iyong ginastos kundi sa mga consumers? Hindi lang ‘yan, maging ang mga mangingisda ay maaapektuhan nito dahil masisira ang kanilang fishing grounds. Tsk tsk tsk!

Tama lang na mahalaga ang renewable energy at kaila­ngan ng Pinas ng mas malinis na power sources. Pero bakit hindi natin pag-ibayuhin muna ang mas mura, mas praktikal, at mas maaasahang onshore wind at iba pang alternatibong pagkukunan ng kuryente?

Darating din ang panahon na baka mas mura na ang teknolohiyang offshore wind, mas kaya na natin, at mas handa na ang Pinas. Sanamagan!

Pero sa ngayon, off-limits muna tayo sa offshore wind turbines. Imbis na makatulong, tiyak mas lalo pa tayong malulubog sa gastos at problema. Maganda ang mga layunin ng Renewable Energy tulad ng wind farms.

Sa obserbasyon nga mga kosa ko, ginagawa naman natin ang ating mga nakakaya para sa mga ito. Nais lamang idiin ng mga kosa ko na sa pagpapalawak ng ating mga Renewable Energy efforts, dapat isaalang-alang ang ating kakayahan sa ekonomiya at maging matalino tayo sa pagpili ng tamang panahon.

Maganda man ang offshore wind farms, pero tiyak kong darating din ang panahong mas kaya na natin ang mga gastusin para dito. ‘Yaon ang tamang panahon upang ang epektong gastusin sa mga konsumerante ng kuryente ay malayong mas maliit kumpara sa kung ipipilit natin ito ngayon. Mismooo! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kung matutuloy ang pagtatayo ng offshore wind farms sa Bangui Bay at San Miguel Bay, dalawang problema agad ang tatama sa mga apektadong residente.

Una, mawawala ang kabuhayan ng libo-libong pamilyang mangingisda dahil hindi lang masisira ang kanilang fishing grounds, kundi makadagdag pa dito ang ipapataw na no-sail/no-fishing zone sa paligid ng mga turbina. Paano pa sila makakapangisda kung pagbabawalan sila sa mismong lugar sa dagat ng kanilang kabuhayan?

Ikalawa, tiyak na tataas ang singil sa kuryente. Alam naman natin ang kalakaran: lahat ng gastos sa mga ganitong proyekto, ang consumers ang sisingilin. Ayon sa mga kosa ko kung ipaghahambing ang generation cost ng offshore sa onshore, tinatayang aabot sa P15.00 kada kilowatt-hour ang offshore, samantalang ang mula sa onshore ay maaaring bumaba ng P5.40 per KWh lamang.

Kumakailan lamang,  nagprotesta ang Power for People Coalition (P4P Coalition) at ang Partido Lakas ng Masa (PLM) Meralco sa Pasig City laban sa mataas na singil ng kuryente nito. Nireklamo nila ang karagdagan sa residential users ng P3.34 per kWh sa nakalipas na tatlong taon. Dipugaaa.

Ayon sa protestors, kalbaryo na sa mamamayan itong mataas na singil sa kuryente. Mas matinding dagok ang iindahin nila kapag gumana na ang offshore wind turbine generators at magdagdag ito ng halos P15.00 kada kWh sa generation cost nito. Hayyy, dapat talagang mapababa pa ang singil sa kuryente. Paano? Abangan!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with