^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Ilikas mga Pinoy sa Israel

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Ilikas mga Pinoy sa Israel

ILANG oras makaraang bombahin ng United States ang tatlong nuclear sites ng Iran noong Sabado, agad na gumanti ang Iran at nagpakawala ng missiles na tumama lahat sa Tel Aviv. Tinamaan ang isang residential building kung saan 16 ang nasugatan. Wasak na wasak ang gusali. Inilikas ang mga residente ng gusali kabilang ang mga bata. Sabi ng Iran, pagbabayaran ng U.S. ang ginawang pambobomba. Nagbabala naman si U.S. President Donald Trump sa Iran na masusundan pa ang pambobomba kapag hindi ito pumayag na makipagkasundo para sa kapayapaan. Iniulat na grabe ang pinsala sa tatlong nuclear sites na binomba ng U.S.

Inaasahan ang mga gagawin pang pagpapakawala ng missiles ng Iran sa Israel. Magpapalitan sila ng bomba. Maraming nagsasabi na maaaring lumubha pa ang sigalot ng Israel at Iran dahil sa paglahok ng U.S. Nangangamba ang mga bansang katabi ng Iran na madamay sila sa kaguluhan.

Ang lubos na nakakaawa ay ang ibang nationalities na naiipit sa away ng dalawang bansa na kinabibi­langan ng mga Pilipino. Tinatayang may 30,742 Pinoys sa Israel at 1,380 sa Iran.

Noong Sabado, umabot na sa 223 Pinoys ang nagpaabot ng kahilingan na gusto na nilang umuwi sa Pilipinas dahil nangangamba na sila sa sunud-sunod na pagpapakawala ng missiles ng Iran. Ayon naman sa Department of Foreign Affairs (DFA), 26 na Pinoys pa lamang ang kumpirmadong makauuwi. Inaasahang may darating na mga Pilipino ngayong araw na ito.

Sinabi ni DFA Undersecretary for Migration Affairs Eduardo de Vega na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Migrant Workers (DMW) upang maiproseso ang pag-uwi ng 223 Pinoy. Ang pagdami ng mga Pinoy na gustong makauwi ay nagsimula nang itaas sa Alert Level 3 ang kaguluhan na nangangahulugang voluntary repa­triation o boluntaryong paglikas ng mga Pilipino sa Israel at Iran. Pinayuhan naman ng Philippine Embassy sa Israel ang mga Pilipino na manatili sa kani-kanilang mga bahay at agad magtungo sa kani-kanilang bomb shelter kapag narinig ang warning o missile alert. Nai-report na 88 Pilipino sa Israel ang nawasak ang tirahan dahil sa missile attacks.

Palubha nang palubha ang sitwasyon sa Israel. Maisakatuparan sana ng DFA at DMW ang paglilikas sa mga Pilipino. Isa sa problema ay ang pagdaraanan palabas ng Israel. Sarado ang airport sa Israel. Kaila­ngang tumawid ng border patungong Egypt at doon sasakay ng eroplano.

Mapanganib ang gagawing paglilikas sa mga OFWs. Pero sabi ng DMW, gagawin nila ang lahat para ligtas na mailikas ang OFWs na naiipit ng giyera. Sana magawa ito sa lalong madaling panahon.

ISRAEL

UNITED STATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with