QCPD, winawalis ang mga kriminal sa kalye!
UMAABOT sa 178 katao ang inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa isang linggong pakikipaghabulan vs mga kriminal. Malakas ang paniniwala ni QCPD director Col. Randy Glenn Silvio na mawawalis na ang kriminal sa mga kalye sa Quezon City kapag naperpekto na nila ang 5-minute response na iniutos ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III.
Ang QCPD kasi mga kosa ang pilot area ng 5-minute response ni Torre dahil kumpleto-rekado ang mga gamit nila tulad ng CCTV at iba pang gadgets sa laban vs kriminalidad dahil sa todo suporta ni Mayor Joy Belmonte.
Ayon kay Silvio, magda-download ang NCRPO ng karagdagang pulis at mobile units sa limang police districts upang lalong paigtingin ang police visibility sa kalye, lalo na sa sakop ng 16 police stations ng QCPD. Nang sa gayon ay may mabilis na malalapitan ang mga Pinoy upang hingan ng tulong kapag nabiktima sila ng krimen. Eh di wow! Walang kokontra ha mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sinabi ni Silvio na tuluy-tuloy lang ang kanilang kampanya laban sa kriminalidad, habang kung Biyernes at Sabado ay naka-focus ang kanyang mga tauhan sa pagsisilbi ng arrest warrants.
Kapag naman may nangyayaring sensational o heinous crimes, kaagad siyang nagtatayo ng Special Investigation Team, kung saan ang kasali rito ay ang intel, District Special Operations Unit, Anti-Carnapping Unit at iba pang miyembro ng National Support Units upang ma-solve kaagad ang kaso, kagaya ng pagbaril kamakailan sa isang House employee.
Ayon kay Silvio, may nasa-custody na sa kanilang suspect na nakipagtulungan naman para mahuli pa ang ibang kasama nito. Ayaw mag-elaborate ni Silvio sa kaso ng House employee subalit iginiit niyang nirerebisa na nila ang kanilang ebidensiya bago magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspects. Sanamagan! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Ayon kay Silvio, ang 178 katao na inaresto sa period na June 15 hanggang June 21 ay nakaharap sa samu’t-saring kaso tulad ng droga, illegal gambling at iba pa. Aniya, nagsagawa ang QCPD ng aabot sa 53 anti-drug operations at 67 pushers at adik ang nadagit at nakumpiska sa kanila ang P680,236 halaga ng droga. Sa illegal gambling naman, 25 operations ang ikinasa at 41 katao ang nahuli at pagkumpiska ng P14,183 cash bets.
Sa wanted persons naman, 70 ang nasakote at 26 sa kanila ay most wanted persons samantalang 44 naman ang other wanted persons. Ayon kay Silvio, kinasuhan na ang mga inaresto sa droga at illegal gambling sa Quezon’s City prosecutors office habang ang inaresto naman na may mga warrant ay inabisuhan na ang mga korteng may saklaw ng kanilang kaso. Dipugaaa! Ang sakit sa bangs nito.
May nga nahuli na ding mga kriminal ang mga bataan ni Silvio dahil sa 5-minute response subalit hindi pa available ang mga reports dahil nasa conference s’ya. Tinitiyak ni Silvio na handa na ang kanyang mga tauhan para ipatupad ang pet program ni CPNP sa Quezon City. “Asahan po ng publiko na magiging masigasig ang kapulisan ng Kyusi sa pagpapatupad ng operasyon laban sa kriminalidad,” giit ni Silvio. Sal-it!
Kaya sa mga kriminal d’yan, lumayas kayo sa Quezon City. Abangan!
- Latest