Lalaki sa Spain, inaresto nang gamitin ang kanyang mga bubuyog laban sa mga pulis!
ISANG insidente anag gumulantang sa bayan ng Cervera, Catalonia, Spain matapos magsagawa ng hindi inaasahang pag-atake ang isang 70-anyos na beekeeper laban sa mga pulis na pumara sa kanya. Napansin ng mga pulis na hindi nakasuot ng seatbelt ang matanda habang nagmamaneho ng van, at nagpakita pa ito ng kakaibang asal sa kalsada kaya’t agad siyang pinara.
Sa halip na makipag-cooperate, nagbanta umano ang matanda at sinabing dapat daw ay binangga na lang niya ang mga pulis. Lalo pang uminit ang sitwasyon nang hilingin ng mga pulis na sumailalim siya sa breathalyzer test dahil pinaghinalaan itong lasing. Naging positibo ang resulta, ngunit biglang nagalit ang beekeeper nang ulitin ang pagsusuri at doon na niya pinakawalan ang dala niyang mga bubuyog mula sa likod ng kanyang van. Agad sinugod ng mga bubuyog ang dalawang pulis na napilitang tumakbo at magtago sa isang restaurant.
Matapos humingi ng backup, naaresto rin ang matanda ngunit pinalaya rin matapos magbigay ng salaysay. Kinailangan namang dalhin sa ospital ang mga pulis upang magamot dahil sa mga kagat ng bubuyog. Hanggang ngayon, inaabangan pa kung ano ang kahihinatnan ng matanda matapos kasuhan ng assault.
- Latest