^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hanapin ang bangkay ng mga sabungeros

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hanapin ang bangkay ng mga sabungeros

PINATAY at inilibing sa Taal Lake ang mga bangkay ng 34 na sabungeros. Ito ang sinabi ng state witness at whistleblower na si alyas “Totoy”. Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Jean Fajardo, gagamitin nila ang mga ipinahayag ni Totoy para maumpisahan muli ang imbestigasyon sa pagkawala ng mga sabungeros. Sinabi ni Fajardo na mala­king development ang mga pahayag ni Totoy para malutas at mabigyan ng hustisya ang mga sabungero at mga pamilya nito. Una nang ipi­nahayag ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III na handa niyang pangunahan ang paghahanap sa mga bangkay ng sabungeros.

Sinabi naman ni DOJ Secretary Crispin Remulla na magpapadala siya ng tactical divers para makumpirma kung totoo nga na inilibing sa Taal Lake ang mga nawa­walang sabungeros. Sa isang pahayag noong naka­raang Pebrero, sinabi ni Remulla na maaaring patay na ang mga sabungeros. Mabigat aniya ang sitwasyon kaya ganito ang maaaring isipin.

Sinabi noon ng PNP na nakikita nilang motibo sa pagkawala ng mga sabungeros ay bilang pagganti sa ginagawa umanong pandaraya ng mga sabungeros kung saan natatalo o nalulugi ang may-ari ng sabungan. Ayon pa rin sa imbestigasyon, sangkot ang mga nawa­wa­lang sabungeros sa game-fixing.

Nawala ang 34 na sabungeros noong Disyembre 2020 hanggang Enero 2022. Hindi sabay-sabay ang kani­lang pagkawala at iba’t iba rin ang lugar kung saan sila nawala na hinihinalang dinukot. May nawala sa Maynila, Bulacan, Rizal at Laguna. Dinukot ang mga ito habang nasa sabungan at ang iba ay habang palabas sa sabu­ngan makaraan ang sabong.

Anim na security guards ng Manila Arena ang sinam­pahan ng kasong kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkawala ng mga sabungeros subalit Dis­yembre 2023 nang payagang makapagpiyansa ang mga ito. Naglagak ng tig-P3 milyong piyansa ang mga sekyu kaya nakalaya.

Malaking development ang paglutang ng witness na sinasabing inilibing sa Taal Lake ang mga bangkay ng 34 na sabungeros. Malaking hamon ito sa PNP sa pamumuno ni Torre. Malaking kaluwagan naman sa dibdib ng mga kaanak ng 34 na sabungeros ang ipinahayag ni Torre na pangungunahan niya ang paghahanap sa bangkay ng mga sabungeros. May nakikita na silang liwanag. Pagkalipas ng apat na taon ay magkakaroon din ng kasagutan ang mga katanungan. Pero kung ma­kikita ang mga bangkay, simula pa lamang ito. Sino ang nag-utos na patayin at itapon ang mga sabungeros?

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with