^

PSN Opinyon

Pekeng dentista sa Czech Republic, nag-root canal batay sa na-research niya sa Google!

MGA KUWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nahaharap sa pagkakakulong ang isang 22-anyos na lalaki at ang kanyang dalawang kamag-anak matapos silang arestuhin ng pulisya sa Hunávcí Brod sa Czech Republic dahil sa pagpapatakbo ng iligal na dental clinic sa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa imbestigasyon, nagsimula ang operasyon dalawang taon na ang nakalilipas nang buksan nila ang clinic nang walang lisensya at gamiting batayan ang mga impormasyong na-research online upang magsagawa ng kumplikadong dental procedures, kabilang ang pagbunot ng ngipin at pag-root canal.

Nagpakita ang korte ng mga testimonya mula sa pulisya na nagpapatunay na walang alam ang mga pasyente na hindi totoong dentista ang mga suspek.

Ang 50-anyos na kamag-anak ng main suspect ang nagbibigay ng anesthesia at naghahanda ng iba pang dental materials gaya ng fillings, impression materials, at cleaning powder.

Ang isa pa nitong 44-anyos na kamag-anak na lalaki ay gumagawa ng prosthetic devices. Sa loob ng dalawang taon, tinatayang umabot sa apat na milyong Czech koruna (P11.3 milyon) ang kanilang kinita mula sa “klinika.”

Ang tatlong suspects ay naghain ng guilty plea sa mga kasong ilegal na pagpapatakbo ng negosyo, money laundering, attempted assault, pag-deal ng droga, at pag­nanakaw. Maaari silang makulong nang hanggang walong taon ayon sa umiiral na batas.

Sa panayam kay Roman Šmucler, presidente ng Czech Dental Chamber, umaabot sa humigit-kumulang na 10 kaso ng pekeng dentista ang naitatala taun-taon sa Czech Republic. Ayon pa kay Šmucler, nangyayari ito dahil may kakulangan ng mga dentista sa kanilang bansa.

Dahil dito, nagpatibay ang parliyamento ng isang batas noong nakaraang taon na nagpapadali sa proseso ng pagkuha ng lisensiya para sa mga dentista mula sa labas ng European Union upang matugunan ang shortage ng dentista sa Czech Republic.

CZECH REPUBLIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with