^

PSN Opinyon

SIMEX ng 5-minute response ng QCPD, pasado kay Torre!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

BIGYAN pansin natin ang mga komento ng netizens tungkol sa pag-relieve ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III sa walong station commanders sa Metro Manila for failure to comply sa 5-minute response vs kriminalidad. Siyempre, may mga pabor at may kontra rin. ‘Yan naman ang kalakaran nating­ mga Pinoy, may kontra pa kahit sobrang ganda na ang inihain mong programa, di ba mga kosa? Ano pa nga ba!

Sinabi ni Danilo Junco na pabor siya sa ideya ni Torre. Si kosang Bong Padua aka Leo Labrador naman ay nag­sabing baka maubos ang mga pulis sa relieve style ni Torre. May pangamba naman si kosang Maffy Bazar na baka ma­gamit ang sistema ni Torre para masibak ang station commanders na inaayawan ng kanilang mga tauhan. Puwede di ba mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sina Junco at Padua mga kosa ay taga-media samantalang si Bazar ay isang retired police general. Ayon kay Bazar dapat ipairal ni Torre ang 3 strike policy sa illegal gambling dito sa 5-minute response niya. Dapat ang unang sibakin ay ang operation officer dahil siya ang naglatag ng deployment plan. “At dapat magawan niya ng “time in motion” ‘yung latag niya na aabot sa 5 minutes sa  pinakadulo ng area niya ang patrollers considering all factors, kasama na ang traffic at terrain,” ani Bazar.

May punto si kosang Maffy, di ba  mga kosa? Aniya kapag ni-relieve ang station commanders, dapat kasama rito ang mga patrol officers, supervisors at sector commanders. “Sila muna dapat bago ang station commanders or sabay sila. ‘Wag lang ‘yung station commanders at baka magamit pa ang diskarte na ‘yan ‘pag ayaw na ng mga personnel ‘yung commander nila,” ani kosang Maffy. Sanamagan!

Ayon kay kosang Maffy, kapag hindi umabot sa 5 minutes ang mga patrol officers na may sakop ng crime scene, dapat mag-explain sila, pati na ‘yung supervisors at sector comman­ders. Kung ang 3 strike policy sa illegal gambling ang gaga­mitin ni chief PNP, kapag sumablay ‘yung patrol officers, relieve or suspended kaagad siya.

Kapag dalawang sablay sa area niya aabot sa supervisor ang tatamaan. At kapag dalawang supervisors ang tina­maan, tsaka pa lang idamay ang station commander. Payag naman si kosang Maffy na i-explain niya ang kanyang ideya.

Ipinakita naman ni Torre sa isang simulation exercise ng Quezon City Police District kung matutupad ang 5-minute res­­ponse. Ayon kay QCPD director Col. Randy Glenn Silvio, tinawagan ni Torre ang District Tactical Operations Center at iniutos na magresponde sa Cavite corner West Avenue at hanapin ang GMA reporter na si Allan Gatus.

Sinabi ni Silvio na ang DTOC ay tumawag naman sa Station Tactical Operation Center, na may sakop ng area, at iniutos sa mga patrollers na magresponde. Inorasan ni Gatus ang responding mobile car at Tactical Motorcycle Riding Unit at nakuha nilang magresponde sa 2 minutes at ten seconds. Kaya naman pala eh, di ba mga kosa?

Ang sistema ni Torre ay i-replicate sa ibang siyudad sa Pinas. May mga station commanders na nagsasabing hindi kayang ipatupad ito sa Metro Manila subalit sinubukan ni Torre at kaya naman pala. Kaya nagsibak siya ng walong commanders. Abangan!

TORRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with