^

PSN Opinyon

Lalaki sa Taiwan, namatay dahil sa paggamit ng kalawanging thermos!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG lalaki mula sa Taiwan ang namatay matapos tamaan ng matinding lead poisoning, na pinaniniwalaang nag-ugat sa dekada niyang paggamit ng kalawanging thermos para sa kanyang inumin araw-araw.

Sa kabila ng mga bakas ng kalawang at malinaw na pag­kasira ng thermos, hindi niya ito pinalitan o nilinis nang maigi.

Ayon sa mga ulat, patuloy na nilalagyan ng lalaki ng mga acidic na inumin gaya ng kape, tsaa, at juice ang naturang thermos. Matapos ang 10 taon ng ganitong gawain, unti-unting naipon sa kanyang katawan ang lason mula sa kalawang at heavy metals tulad ng lead.

Nagsimula siyang makaramdam ng hindi maipaliwanag na karamdaman, at nang magpakunsulta sa ospital, natuklasang mayroon na siyang lead poisoning at malubhang impeksyon sa baga.

Sa kabila ng gamutan, lalong humina ang kanyang resistensya at tumindi ang kumplikasyon ng pulmonya, dahilan upang siya ay mamatay makalipas ang isang taon mula nang ma-diagnose.

Ipinaliwanag ng mga doktor na ang matagalang paggamit ng lumang thermos, lalo na kapag ginagamit sa maiinit o acidic na inumin, ay nagdudulot ng unti-unting pag-leak ng heavy metals gaya ng lead, na maaaring magdulot ng pinsala sa atay, bato, nervous system, at magpahina ng immune system.

Napag-alaman din ng mga eksperto na sa paggawa ng mga thermos at vacuum flask, kadalasang ginagamit ang lead bilang sealing material dahil ito ay mura at matibay.

Ngunit kapag nasira o nagkaroon ng kalawang, mas tumataas ang tsansa na malusaw at humalo ang lead sa iniinom.

Ang trahedyang ito ay nagsisilbing mahigpit na paalala sa publiko ukol sa tamang paggamit, pagpili, at regular na pagpapalit ng mga gamit sa pagkain at inumin upang maiwasan ang panganib ng heavy metal poisoning at iba pang seryosong sakit.

Ang lalaki na gumamit ng kalawanging thermos sa loob ng 10 taon na kanyang ikinamatay.

TAIWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with