^

PSN Opinyon

China nagnanakaw sa Recto, Pag-asa, Bajo de Masinloc

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TaOn-taon, Nobyermbre hanggang Mayo, mahigit 400 na Chinese Maritime Militia trawlers ang dumadagsa sa Pagkakaisa (Union) Bank. Nasa dulo ito ng 200-milya exclu­sive economic zone ng Pilipinas.

Lahat sila magnanakaw ng yamang dagat. Bawat isa ay kayang humakot ng 12 tonelada kada-araw. Nililipat ang hakot sa mothership para lalo pang maglambat sa dagat natin.

Paboritong dambungin ang tig-isa o dalawang kilong mameng (napoleon wrasse), na ibinebenta sa Hong Kong ng P5,000 kada kilo. Endangered ang mameng na lumalaki hanggang ga-sofa, at bawal manghuli nito sa Pilipinas.

Humahakot din sila ng nautilus shellfish, bilang pagkain at pang-dekorasyon. Bawal din ito hulihin sa Pilipinas dahil threatened species.

Tone-toneladang malalaking galunggong ang hinahakot para i-”export” kuno sa Pilipinas. Binababad sandali sa formalin para magmukhang sariwa.

Kasama ang China Coast Guard, dinudugas ng Hainanese ang Bajo de Masinloc. Pinapalitan ng circular saw ang propeller ng trawler para lagariin ang taklobo (giant clam) mula sa bato. Lima o anim na piye bawat isa. Makunat ang laman kaya hindi makain; pang-ornamental ang shell.

Inaani nila ang fan corals, labag sa batas ng mundo. Deko­rasyon sa aquarium. Ang pawikan ay pagkain at pang-deko­rasyon din.

Nilalambat ang pating para sa shark fin soup; iniitak ang ngipin para agimat. Pati dolphin ay hinuhuli para pagkain at pang-circus.

Hindi lang sila nangingisda sa Recto (Reed) Bank. Wina­wasak pa ang mga bahura para sirain ang loob ng mga Pilipino.

Nu’ng 2024, ani Climate Change Commissioner Albert Dela Cruz, 12,000 ektarya ng Rozul (Iroquis) at Escoda (Sabina) Reefs ang tinibag.

BANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with