^

PSN Opinyon

8 police commanders,  sinibak ni Torre!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

WALONG matitigas ang ulo na mga police commanders ang sinibak ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III dahil sa hindi pagtalima sa inilatag n’yang police reforms, kabilang na ang 5-minute response. Nagbabala si Torre na may isusunod pa s’yang i-relieve kapag hindi s’ya satisfied sa trabaho ng iba pang police commanders. Araguyyy!

“May mga commanders na ayaw mag-cooperate. May mga ni-relieve na ako at may mga ire-relieve pa,” ayon kay Torre. Nang tanungin kung ilan na ang nasibak; “May 8 na at ma­rami pang susunod ‘pag hindi sila sumunod sa direktiba ko sa 5-minute response,” ang dagdag pa ni Torre. Tikom naman ang bibig ni Torre kung sino ang na-relieve na mga police commanders.

Subalit sa NCRPO, ang mga siyudad ng Mandaluyong City, Makati City at Caloocan City ay may bago ng comman­ders. Kasama kaya sila sa na-relieve ni Torre? Ewan ko no! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Wala pa namang ni-relieve na regional commanders si Torre dahil kumpleto-rekado pa sila sa command confe­rence na ginanap sa PNP Multi-Purpose Center noong June 13, kung saan ang guest ay si Interior Sec. Jonvic Remulla. Sinabi ni PNP PIO Brig. Gen. Randolf Tuaño na ang meeting ay isang “significant step toward enhancing operational effi­ciency, responsiveness, and community engagement across the nation.”

Ayon kay Tuaño, ang sentro ng diskusyon ay ang pag-pre­­sent ng operational plans ng mga RDs bilang tugon sa reporma at pagbabago ng polisiya ng PNP. Ipinaliwanag ni Torre na itong mga reporma ay “more than structural- they are deeply rooted in a renewed commitment to public trust and accountability.”

“This transformation goes beyond patrol deployment. It’s about rebuilding trust through swift action, professionalism, and accountability—while remaining firmly anchored on the rule of law, human rights, and due process,” aniya. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Itong 5-minute response strategy, ani Torre ay signal ng malawakang paglisan sa traditional-based policing. “It trans­forms police presence into a more mobile, proactive, and people-centered approach—ensuring that calls for help are answered swiftly, professionally, and at any hour,” aniya. “Backed by upgraded logistics, strategic deployment, and cons­tant training, the PNP is charting a new course for modern, results-driven law enforcement,” ang dagdag pa n’ya.

Iniutos ni Torre ang pag-enhance ng internal communication, lalo na sa mga station commanders, sa katwiran na ang mahigpit na komunikasyon “can save lives.” Mismooo!

Sina NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin, PRO4A director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas at PRO3 director Brig. Gen. Jean Fajardo ang unang nag-present ng kanilang mga hakbangin bilang pagtugon sa mga programa ni Torre. Sa susunod na meeting naman magbibigay ng kanilang presentation ang iba pang RDs kung saan tatalakayin din ang mga lapses para ma-fine-tune kaagad ang mga ito. Dipugaaa!

Sa parte naman ni Remulla, nagbigay s’ya ng todo suporta sa mga programa ni Torre. Nangako s’yang bibili ng patrol vehicles upang masiguro ang police mobility at visibility at suportahan ang 5-minute response ng PNP. Abangan!

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with