^

PSN Opinyon

Paano makaiiwas sa pimples

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

KARANIWANG ang mga nagkakaroon ng tagihawat (pimples) ay teenagers, mga umiinom ng oral contraceptive pills, buntis, bago mag-menopause at may lahi ng maraming pimples.

Sundin ang mga sumusunod na payo upang makaiwas sa pimples:

1. Palitan ang oil-based make-up ng water based or oil free make-up.

2. Maghilamos maigi sa gabi gamit ang mild soap at tubig at bago maglagay ng gamot sa pimples.

3. Sa paglalagay ng mga gamot sa pimples tulad ng benzoyl peroxide, ilagay sa mismong pimple at sa paligid nito lamang at huwag ikalat. Simula sa mababang strength ay unti-unting itaas ang strength kapag hindi mapuksa.

4. Kapag meron mga gamot para sa pimples, iwasan ang magpaaraw.

5. Subukang ihilamos sa umaga at sa gabi ang malamig na chamomile tea para ma-improve ang pores ng kutis.

6. Sa paglalagay ng make-up sa pimples, gawing foundation muna tapos powder tapos foundation ulit.

DOC WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with