^

PSN Opinyon

Kung sa China ang WPS, bakit nila ito winawasak?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SA Google Maps, Google Earth, at Flight Radar ay nakahiwalay na ang West Philippine Sea sa South China Sea. Kinikilala ng tatlong pinaka-popular na digital cartographs na ang WPS ay 200-mile exclusive economic zone ng Pilipinas batay sa UNCLOS.

South China Sea ang ipinangalan ng British Admiralty nung ika-16 siglo para sa kanlurang bahagi ng Pacific Ocean. Inaangkin ang buong ‘yon ngayon ng Komunistang China. Pero may sarili silang 200-mile EEZ at labag sa UNCLOS at Permanent Court of Arbitration ang imbento niyang nine o ten-dash line.

Para lang sa argumento, ipagpalagay natin sandali na sa China nga ang ating WPS. Kung ganun, dapat alagaan nila ito bilang yaman ng kanilang lahi.

Pero winawasak ng China ang WPS. Bukod sa nagnanakaw sila ng isda, labis-labis ang hinuhuli at sa bawal na paraan pa man din. Pinupulbos nila ang corals, at nila-landfill ang mga bahura bilang island-fortresses.

Hindi gawi ‘yon ng matinong bansa. Asal ‘yon ng isang mapagpanggap na magnanakaw.

Taun-taon mula Nobyembre hanggang Mayo, mahigit 400 China Maritime Militia trawlers ang dumadagsa sa Pagkakaisa (Union) Bank. Mga 100 ay humihimpil sa Julian Felipe (Whitsun) Reef para maglambat ng maliliit na isdang pampain. Doon din sila nagtse-change oil, at nagtatambak ng basura.

Mula roon, kumakalat sila sa mga pangisdaang Pilipino: paligid ng Pag-asa Island, Recto (Reed) Bank, at Bajo de Masinloc o Panatag (Scarborough) Shoal.

Nilalaspag nila ang tatlong pangisdaan. Iuulat ko bukas ang mga pag-aaral kung paano ang kawalanghiyaan nila.

UNCLOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with