^

PSN Opinyon

Tinedyer sa britain, idinemanda ang mga magulang nang pilitin siya ng mga ito na manirahan sa Ghana!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG 14-anyos na batang lalaki sa London ang naging usap-usapan nang magwagi ito sa kasong isinampa niya sa sariling mga magulang!

Noong Marso 2024, pinaniwala ang hindi pinangalanang teenager ng kanyang mga magulang na bibisita lang sila sa isang kamag-anak na may sakit sa Ghana.

Ngunit pagdating doon, ini-enroll siya sa boarding school at hindi na pinayagang makabalik sa Britain.

Ayon sa mga magulang nito, ginawa lang nila ito dahil nababahala na sila sa pag-uugali ng kanilang anak na naiimpluwensiyahan na ng gang culture sa Britain.

Natuklasan din nila na natututo na itong gumamit ng patalim bilang armas. Para sa kanila, mas ligtas umano ang bata sa Ghana kaysa manatili sa lungsod.

Ngunit depensa ng teenager, hindi naging madali ang buhay niya sa Ghana. Kuwento nito, para siyang nasa impiyerno. Palagi kasi siyang nabu-bully sa boarding school, at hirap na hirap siyang makasabay sa ibang estudyante dahil lumaki siya sa ibang kultura.

Bilang solusyon sa kanyang problema, nag-email siya sa British High Commission sa Accra, Ghana at humingi rin ng tulong sa Children and Families Across Borders, isang international na charity.

Ang mga ito ang tumulong para makakuha ang teenager ng abogado sa Britain na nagdala ng kaso sa High Court sa London.

Noong Disyembre 2024, pinaboran ng korte ang mga magulang, iginiit na ginagawa lang nila ito dahil sa pagmamahal at takot na mapariwara ang anak.

Ngunit umapela ang kampo ng binatilyo, at sa huli ay pinawalang-bisa ng Court of Appeal ang desisyon.

Giit ng korte, hindi sapat ang isinagawang pagtalakay sa kapa­kanan at karapatan ng bata, lalo’t siya ay may sapat na pag-iisip para magdesisyon para sa sarili.

Sa kasalukuyan, nananatiling nasa Ghana pa rin ang binatilyo. Pero itinuturing na itong tagumpay ng kanyang mga abogado at posibleng maging daan ito para tuluyang makabalik siya sa London.

COURT OF APPEAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with