^

PSN Opinyon

Kaso ni Biazon, pinaaapura sa Sandiganbayan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NAKATUTOK, hindi lang ang mga empleyado ng City government ng Muntinlupa City, kundi maging ang mga residente sa Sandiganbayan kung ano ang kasunod nilang aksiyon matapos hatulan sina Mayor Ruffy Biazon, PDAF queen Janet Napoles at iba pa ng pagkabilanggo dahil sa graft and corruption.

Kung sabagay, kahit inapela pa ni Biazon ang desisyon ng anti-graft court, ang focus n’ya sa pagtatrabaho ay magiging hati dahil hindi naman basta-basta na bale­walain n’ya ang ruling. ‘Ika nga, ang anumang proyekto na ikakasa ni Biazon ay mapaghihinalaan na ng corruption. Kung nagawa n’ya ito noon, ngayon pa kaya? ‘Yan ang magsisilbing batayan ng mga taga-Muntinlupa City.

Teka nga pala, sa mga kosa kong abogado, may batas ba ang Pinas na ang isang pulitiko, kahit convicted na sa kaso, ay puwedeng ipagpatuloy n’ya ang pagserbisyo sa publiko? Masalimuot itong napasok na sitwasyon ni Biazon ah! Mismooo! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa desisyon ng Special Seventh Division ng Sandiganbayan na isinapubliko nitong Mayo 30, hinatulan sina Biazon, Napoles, Dennis Cunanan, Maria Rosalinda Lacsamana, at Evelyn de Leon ng paglabag ng Section 3 (e) ng Republic Act No. 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Hinatulan sila ng maximum na pagkabilanggo ng walong taon. Araguyyy!

Hindi lang ‘yan, iniutos din ng Sandiganbayan na disqualified sila sa pag “holding public office.” Tsk tsk tsk! Ibig sabihin sinisibak nila si Biazon? Ewan ko ‘no? Ang desisyon ay sinulat ni Associate Justice  Zaldy Trespeses na kinatigan naman nina Associate Justice  Ma. Theresa Dolores Gomez-Estoesta at Associate Justice Georgina Hidalgo.

Sinabi ng abogado ni Biazon na iaapela nila ang desisyon. Sanamagan! Ganun na nga! Sobrang buwenas naman nina Mario Relampagos, Francisco Figura, Marivic Jover, Maurine Dimaranan at Consuelo Lilian Espiritu dahil hindi sila nahagip ng latigo ng Sandiganbayan. Eh di wow! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kaya naman nasabi kong nakatutok ang taga-Muntinlupa sa desisyon ng anti-graft court dahil kung anu-anong Marites na ang kumakalat sa siyudad tungkol sa magiging kahinanatnan ng kaso ni Biazon, na unopposed nitong nakaraang midterm election.

Siyempre, ang unang nasa isipan ng Muntinlupa ay kung makapagpatuloy pa ba ang pagiging mayor ni Biazon eh disqualified na s’yang humawak ng public office, ayon sa desisyon ng Sandiganbayan ruling. Kasama sa Marites na manipulahin ni Biazon ang Sandiganbayan para tuluyan ng mabasura ang isinampang kaso laban sa kanila. Owwwww! Next to impossible na ‘ata ‘yan, di ba mga kosa? Kung sabagay, may tatlong kaso vs Biazon na napadismiss na ng abogado n’ya. Ang sakit sa bangs nito!

Umapela naman ang mga residente sa Sandiganbayan na apurahin nila ang desisyon sa kaso ni Biazon para hindi maantala ang mga proyektong nakahain ng LGU para umunlad ang kanilang siyudad. Kung sabagay, dito sa Pinas masyadong mabagal ng pagbaba ng hustisya laban sa mayayaman na sangkot sa graft and corruption.

Subalit kapag mahirap ka, mabilis pa sa alas kuwatro ang pagbiyahe sa iyo sa kulungan. Mismooo! Nawawala na tuloy ang kompyansa ng mga tao na ang hustisya ay walang nakikitang kulay or katayuan sa buhay. May punto! Abangan!

CORRUPTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with