^

PSN Opinyon

Bilang na ang araw ng mga corrupt sa DOTr-Cordillera

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BILANG na ang araw ng mga corrupt sa Department of Transportation-Cordillera Administrative Region (DOTr-CAR).

Babagsak na ang tabak at kakasuhan ang mga opisyal at empleyadong sangkot sa mga katiwalian sa driver’s license at iba pang mga iniisyung lisensiya.

Ito ang matapang na banta ni Glenn Dumlao, bagong talagang DOTr-CAR Regional Director. Hindi umano siya mangingimi sa pagsibak sa mga korap na opisyal at empleyado sa ahensiya.

Si Dumlao ay dating opisyal sa Constabulary Highway Patrol Group (CHPG), Presidential Anti-organized Crime Task Force (PAOCTF) at PNP Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG).

Ayon kay Dumlao, marami na siyang hawak na ebidensyang magpapatunay sa mga katiwalian ng mga opisyal at empleyado ng DOTr-CAR. Kapag napatunayan, itatapon sa kulungan ang mga ito para doon mabulok.

Nang hirangin noong Abril si Dumlao, dalawang empleyado na ang nagbitiw sa puwesto dahil nabuking ang mga ito sa ginagawang katiwalian.

Dalawang empleyado na rin ang tinanggal sa puwesto at maraming inilipat sa iba’t ibang departamento bilang pagsasa-ayos sa ahensiya.

Nananawagan si Dumlao sa mamamayan na isumbong ang mga pagmamalabis, kapabayaan at katiwalian na makikita sa mga opisyal at empleyado ng DOTr-CAR.

Nais ni Dumlao na maisa-ayos ang DOTr-CAR upang mahusay na mapagsilbihan ang taumbayan. Gusto niyang mareporma ng ahensiya at linisin ito sa mga tiwali. Pananagutin niya ang mga hindi gumaganap ng tungkulin o hindi nagseserbisyo nang maayos sa publiko.

Mahirap, masalimuot at mapanganib ang krusada ni Dumlao laban sa mga tiwali. Pero ayon kay Dumlao, handa siyang harapin ang mga hamon maipatupad lamang ang reporma at paglilinis sa ahensiya. Hindi siya natatakot humarap sa mga banta.

Naniniwala si Dumlao na mapagtatagumpayan niya ang paglaban sa mga tiwali sa DOTr-Cordillera sa tulong ng mamamayan.

* * *

Para sa komento, i-send sa: [email protected]

TRANSPORTATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with