^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Daming kandidato hindi nagsumite ng SOCE

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Daming kandidato hindi nagsumite ng SOCE

NATAPOS noong Miyerkules (Hunyo 11) ang deadline para sa pagsusumite ng statement of contributions and expenditures (SOCE) ng mga kandidato. Ang nakadidismaya, marami ang hindi nakapagsumite ng SOCE sa kabila ng paalala ng Commission on Elections (Comelec). Ayon sa Comelec, maraming kandidato, party-list groups at political parties ang hindi nag-comply sa pagsusumite ng SOCE.

Binabalewala ba ng mga kandidato ang kautusan ng Comelec na dapat isumite sa tinakdang deadline ang SOCE. Una nang sinabi ng Comelec na ang sinumang kandidato na hindi makapagsa-submit ng SOCE sa itinakdang petsa ay pagmumultahin at mahaharap sa disqualification o hindi makakaupo sa puwesto.

Sinabi ng Comelec na lahat ng mga kandidato, party-lists, at political parties ay dapat magpasa ng SOCE kahit hindi nanalo; kahit wala silang ginastos at wala rin silang tinanggap na anumang kontribusyon; kahit umatras sa kandidatura at self-funded ang kampanya; ay kailangang mag-file ng SOCE.

Ayon pa sa Comelec, dapat ay notaryado ang SOCE at personal na pirmado ng kandidato o ng treasurer ng partido o party-list. Kailangan ding magsumite ng hard copies at soft copies sa PDF at Excel format, kasama ang external storage device.

Pero sa kabila ng mga paalala, binalewala ang kautusan at hindi na nag-aksaya ang mga kandidato para isumite ang kanilang SOCE.

Sa mga nakaraang election, hindi pinansin ng mga kandidato ang panawagan ng Comelec na magsumite ng kanilang SOCE. Walang nagawa ang Comelec. Ang ­matindi, ang mga kandidatong hindi nagsumite ng SOCE ay nakatakbo pa sa election. Isang pambabastos sa Comelec.

Pinakamaraming kandidato noong 2013 elections ang hindi nagsumite ng SOCE. Ayon sa report, nasa 5,000 ang mga kandidatong dinedna ang pagpa-file ng SOCE. Ganunman, maraming nakatakbo sa sumunod na elections kahit hindi nag-file ng SOCE.

Noong 2016 elections, naitala ang 3,937 na mga kandidatong hindi nakapagsumite ng SOCE. Marami rin sa kanila ang nakatakbo uli sa election. Walang nagawa ang Comelec. Noong 2022 elections, 21 kandidato ang hindi nakapagsumite ng SOCE at kabilang umano rito ang isang senador na nanalo. Gaya ng dati, may mga nakatakbo muli kahit hindi nakatupad sa alituntunin.

Nararapat nang gumawa ng hakbang ang Comelec sa mga nagbalewala sa pagsusumite ng SOCE. Kung sa mga nakaraan ay naging mabait ang Comelec, dapat sa pagkakataong ito ay parusahan ang mga kandidatong hindi nagsumite ng SOCE. Nararapat may masampolan sa pagkakataong ito.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with