^

PSN Opinyon

Walang bisang pag-aampon

IKAW AT ANG BATAS! - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

KUNG ang nag-aampon ay may asawa at anak, ang pag-aampon ay kailangang isampa ng mag-asawa na may pagpayag ng mga anak ng nag-aampon na 10-taon gulang o higit pa. Kaya ang petisyon ay hindi sinampa na may pagpayag ang asawa at anak, legal ba ang pag-aampon? Ito ang sasagutin sa kaso ni Henry.

Kasal si Henry kay Lilia. Kahit na magulo ang kanilang pagsasama dahil si Henry ay parang bakla at dahil sa kanilang pagkakaiba, nagkaanak pa rin sila. Ngunit ang bata ay may karamdaman at nabuhay lang ng siyam na araw. Kaya makaraan ng dalawang buwan matapos mamatay ang bata iniwan na ni Lilia si Henry pero magkaibigan pa rin sila.

Noong 70-anyos na si Henry nag-file siya ng petisyon sa RTC para ampunin sina Gina at Andy na mga anak ni Emilia na nakilala at minahal niya noong magkahiwalay na sila ni Lilia at dahil nga wala silang anak ni Lilia, hindi niya nagampanan ang kanyang pangarap na maging ama ng isang bata.

Pero dahil sa dalawang ilehitimong anak na si Gina at Allan, ang pangarap niya ay natamo rin at balak niyang maging anak at apelyido ng mga bata. Sabi na niya na nasa kanyang pangangalaga ang mga bata higit apat na taon na dahil namatay na ang ina ng mga ito na si Emilia.

Pagkaraan ng dalawang buwang pagdinig sa kanyang petisyon. Inaprubahan ng RTC ang kanyang petisyon dahil wala namang kumontra rito. Dahil sa kakulangan sa pag-alaga sa kanilang anak ni Mina habang niregaluhan at inalagaan ang mga anak ng kanilang driver na si Francis hanggang sa pag-ampon ng mga anak nitong si Gina at Allen na walang kaalaman at pahintulot niya at dahil sa pagsisinungaling sa RTC. Nag-file si Lilia ng disbarment ni Henry. Pero habang ito ay dinidinig pa namatay na si Henry sa edad 70-anyos.

Kaya nagpetisyon din si Lilia at Mina na pawalang bisa ang petisyon for adoption sa Court of Appeals. Sabi nila na malaman lang nila ang pasya ng RTC limang taon pagkaraang ito ay lumabas, na ang affidavit ni Lilia sa pagpayag nito sa pag-file sa Korte ay mali, at di totoo, at nung mga birth certificate ni Gina at Allen ay may iba-ibang impormasyon tungkol sa edad ni Emilia nang nanganak ito at hindi si Francis ang mga ama nito.

Sinabi rin nina Lilia at Mina na sina Gina at Allen ay hindi mga ilehitimong anak ni Henry kundi lehitimong anak ni Francis at Emilia. Ngunit hindi ginawad ng CA ang petisyon nila dahil hindi naman napatunayan na walang hurisdiksiyon ang RTC dahil hindi naman sila na abisahan at wala namang maling impormasyon sa mga birth certificate kaya walang “fraud” na kinakailangan sa pag pawalang bisa ng desisyon ng RTC. Tama ba ang CA?

Mali, ayon sa Korte Suprema. Noong sinampa ang petisyon sa RTC ang batas na umiiral ay R.A 8552 na pag-sasaad na ang pag-ampon ng bata ay kailangan may pag sang-ayon ng asawang babae at ng lehitimong anak na edad sampung taon o higit pa. Kaya dapat nagsampa ng petisyon si Henry kasama si Lilia o kaya may pagsasang ayon ito sa pag-ampon dahil ang mga inaampon ay magiging lehitimong anak.

Ito ay kailangan upang magkasundo ang mag-asawa. Ang pagpayag ni Mina na lehitimong anak ni Henry na higit ni Henry na higit sampung taon ay kinakailangan din para pag kasunduan ang mga ito. Kaya dapat na personal na inabisuhan sila Lilia at Mina na petisyon na ilathala lang ang petisyon sa diaryo. Dahil hindi personal na naabiso ang mga ito at walang hurisdiksiyon ang mababang hukuman.

Minsan din pandaraya dito dahil hindi nabigyan, naabisuhan ang lahat ng mga interesadong partido na may interes sa kaso kaya ang desisyon sa pag-ampon kay Gina at Allen ay talagang walang bisa (Castro and Castro vs. Gregorio and Gregorio, G.R. 188801, October 15, 2014).

RTC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with