VACC chair Evangelista, bilib kay Torre!
ANG dapat na next chief ng Philippine National Police ay “may balls, may dibdib at may political will.” Yan ang wish ni Volunteers Against Crime and Corruption founding chairman Boy Evangelista, sa isang interbyu ng nakaraang Martes at hindi naman niya itinatago kung sino ang “manok” niya.
Ang mga miyembro nitong VACC mga kosa ay halos may anak o miyembro ng pamilya na naging biktima ng krimen o karahasan kaya kinukonsulta sila ng bagong PNP chief kung paano labanan ang kriminalidad. Hayagang sinabi ni Evangelista na bilib siya sa kakayahan ng liderato ni CIDG director Maj. Gen. Nicolas Torre III, ang isa sa mga contender na papalit kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa pagtatapos ng extension nito sa June 7.
Kung sabagay, balanse itong si Torre. Maraming galit sa kanya, lalo na ang mga supporters ni Tatay Digong, at marami rin s’yang supporters. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sa pag-endorso kay Torre, sinabi ni Evangelista na hanga siya sa hands-on na liderato nito at maging ang anti-criminality strategies niya, lalo na ang isinusulong nitong police visibility at ang “five minute quick response” na mismong pinuri ni President Bongbong Marcos.
“Unang-una ang police visibility, lagi nating panawagan yan. Pangalawa, ang five-minute response time sa QCPD — proven effective,” ang giit ni Evangelista. Binigay halimbawa ni Evangelista ang paggamit ng real-time bodycam system noong panahon ni Torre sa QCPD na nagbigay ng live video feeds sa lahat ng police response operations para hindi mapapariwara ang kapulisan.
“Sabi ko kay Gen. Torre, puwede pa rin ito,” ang sabi ni VACC chairman na parang napili na si Torre bilang kapalit ni Marbil. Mismooo! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!
Ayon kay Evangelista, ang PNP chief ay hindi dapat sunud-sunuran sa mga pulitko. “Pag chief PNP ka na, dapat hindi ka nagpapadikta kahit sinong pulitiko. May board of selection tayo — composed of command officers and multi-sectoral representatives — ‘yan ang dapat masunod sa pagpili ng mga regional and key police officials,” aniya.
May punto si VACC chairman no mga kosa? Ipinunto pa ni Evangelista na ang trust and confidence ni BBM bilang appointing authority ay crucial, subalit dapat complemented ito ng qualification at character.
“Mahirap mamili ng chief PNP,” ang pag-aamin ni Evangelista. “Pero hindi lang tiwala ng Pangulo ang mahalaga — kailangan ng tunay na lider na may puso, prinsipyo, at malasakit sa bayan,” ang dagdag pa ni Evangelista. Gets n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Binanggit pa ni Evangelista ang iba pang qualifications dapat ng PNP chief ay ‘yaon ay ang integridad, love of country, and fear of God. “Dapat may integridad, may dangal, at higit sa lahat, takot sa Diyos.” Aniya, dapat ding may ‘moral ascendancy, may unblemished track record, independence from political interference, at ang pinakahuli may courage to uphold meritocracy within the police force.’
Kay Torre na kaya ang lahat ng katangiang ito na binabanggit ni Evangelista? Dipugaaa! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Pero hindi dapat mawalan ng gana ang iba pang kandidato sa pagka-PNP chief kasi hindi naman si Evangelista ang mamimili ng kapalit ni Marbil kundi si BBM. Sanamagan! Laban lang! Abangan!
- Latest