Hindi lugi kay Raffy
MULA Oktubre 2024 hanggang Marso 2025, naglunsad si Sen. Raffy Tulfo, Vice Chairman ng Senate Committee on Labor and Employment, ng relief operations Sipocot, Minalabc, Pili, Iriga at Goa sa Bicol region, Tarlac City at Paniqui sa Tarlac at Batangas City upang makiisa sa mga biktima ng sakuna.
Bilang pagtugon sa mga reklamo sa transportasyon, ininspeksiyon niya ang Binangonan Port, North Harbour Bus Terminal, DLTB Bus Co., JAM Transit, JAC Liner, LLI Bus Terminal, Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), Five Star Bus Terminal at Baliwag Bus Liner Terminal.
Tinungo rin niya kasama ang taga-Department of Migrant Workers (DMW) ang mga OFW accommodation houses sa Metro Manila. Ito ay upang makita ang kalagayan ng mga pasilidad dahil sa mga reklamo nang substandard living conditions, siksikang kuwarto, sanitasyon at kakulangan sa safety gears gaya ng fire extinguishers at emergency exits.
Ininspeksyon din niya ang Mactan-Cebu International Airport (MCIA) dahil sa reklamo ng “tanim-bala” ng isang pasaherong babae. Nirebisa niya ang airport security protocols, X-ray screening process at nakipagpulong kay MCIA General Manager Julius Neri Jr.
Sa sorpresang inspeksiyon niya sa Cebu North Bus Terminal (CNBT) nakita ang mga paglabag sa safety mechanisms, expired fire extinguishers, pudpod na mga gulong at iba pang maintenance issues.
Tinungo rin niya kasama ang LTFRB, LTO at TESDA ang motorpools ng Cisco Bus Company, Five Star Bus Company Inc., Victory Liner Inc., at GV Florida Transport Inc. Nakita niya ang kawalan ng safety gears ng mga manggagawa—walang gloves, work boots, aprons, safety goggles at hindi maayos ang ventilations sa motorpools. Marami sa mga mekaniko ang walang TESDA certifications.
Nakita niya ang maruruming maintenance machines at hindi angkop na mga maintenance protocols na maaring magdulot ng kapahamakan sa mga manggagawa gaya ng pagkakuryente at iba pang disgrasya. Nagbabala siya na makararating sa Senado ang mga nakitang paglabag.
* * *
Para sa komento, i-email sa: [email protected]
- Latest