^

PSN Opinyon

EDITORYAL - 5 minuto lang

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - 5 minuto lang

MABIGAT ang nakaatang sa mga pinuno ng Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG) nang atasan ang mga ito ni President Ferdinand Marcos Jr. na rumesponde sa lugar ng krimen nang hindi lalampas sa limang minuto. Kailangang madaluhan agad ng pulisya ang mga bini­biktima ng masasamang loob.

Bukod sa agarang pagresponde ng pulisya sa lugar ng krimen, ipinag-utos din niya na magkaroon ng mga pulis na nagpapatrulya sa kalye. Kailangan aniya na magkaroon ng police visibility. Kailangang may makitang pulis na naglalakad sa kalye. Ayon sa Presidente, kapag may nakikitang pulis sa kalye, nakadarama ang mamamayan na ligtas sila. Hindi aniya nakararamdam na kinakabahan ang mga tao kapag may unipormadong pulis.

Para raw madaling makontak ang mga pulis, papalitan na ang mga number na 119, 911, 999 na nagdudulot ng kalituhan sa mamamayan. Ayon sa Presidente, pag-iisahin na lamang ang mga numerong tatawagan. Magpapatupad umano ang gobyerno ng single crisis hotline para sa emergency hotlines kapag may nangyaring krisis.

Masusubok ang kakayahan ng PNP sa pagresponde sa nagaganap na krimen sa loob ng limang minuto. Hindi na marahil ito katulad ng mga nangyayari sa pelikula kung saan kapag tapos na ang krimen saka nagdarati­ngan ang mga pulis na nasa mobile car. Nakatakbo na ang mga kawatan at kriminal.

Siguro rin naman kung magkakaroon na ng mga pulis na nagpapatrulya sa gabi ay makakalambat sila ng mga magnanakaw. Siguro rin naman kung mayroon nang bagong numero na tatawagan sa panahon ng krisis ay darating agad ang mga pulis.

Dapat din naman na maging mapagmatyag ang mga pulis na sa nangyayari sa kanilang paligid. Marami nang pangyayari na halos katabi lang ng police station ang pinangyarihan ng krimen pero walang kamalay-malay ang mga pulis. Maaring nasa malamig silang kuwarto ng station at natutulog, nagti-text o naglalaro ng games sa cell phone.

Noong nakaraang Mayo 13 ng gabi, isang pawnshop sa kanto ng Quirino Highway at Susano Street sa Bgy. Gulod ang ninakawan ng Termite Gang at natangayan ng P3.7 milyon. Hinukay ng Termite Gang ang daan patungo sa EJM Pawnshop at nilimas ang pera. Nadiskubre ang pagnanakaw ng Termite Gang ng alas-4 ng madaling araw ng isa sa mga empleyado ng pawnshop. Nakita niya ang butas na ginawa ng Termite Gang.

Ang nakadidismaya, ilang metro lang ang layo ng Novaliches Police Station sa pinangyarihan ng pagna­nakaw. Hinahanap pa ang mga kawatan.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with