^

PSN Opinyon

Mga ibon sa isang isla sa Australia, natuklasang punumpuno ng plastic ang kanilang tiyan!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAKABABAHALA ang natuklasan ng Australian scientists kung saan daan-daang mutton birds o shearwaters sa Lord Howe Island, Australia ang natag­puang punumpuno ng plastic ang mga tiyan!

Dahil sa rami ng mga plastic, naririnig at nararamdaman na ang pagkaluskos ng mga plastic sa tuwing pinipisil ang tiyan ng mga ibon!

Kilalang malinis ang Lord Howe Island na tahanan ng humigit-kumulang 500 katao at higit sa 44,000 seabirds.

Ngunit sa kabila nito, naging saksi ito sa mapait na epekto ng global plastic pollution.

Ayon kay Dr. Jen Lavers, isang marine scientist at 18 taon nang nagsasaliksik sa isla, isang ibon ang natuklasan nilang may 778 piraso ng plastic sa tiyan.

Ayon kay Lavers, ito ang pinakamaraming plastic na natagpuan nila sa tiyan ng ibon sa kasaysayan ng kanilang pag-aaral.

“Hindi ito exaggeration,” ani Lavers. “Ramdam mo ang plastic kahit hindi pa patay ang ibon. Sa bawat pisil sa tiyan nila, parang may basag na laruan sa loob nito.”

Bukod sa pisikal na pinsala, isang malinaw na senyales ito ng bumababang populasyon ng mga seabird at patuloy na pagtaas ng konsumo nila sa plastik.

Layunin ngayon ng mga eksperto na palawakin ang kamalayan ukol sa crisis sa plastic, hindi lamang sa Lord Howe kundi sa buong mundo.

“May mahalagang kuwento ang mga ibong ito. At ang sinasabi nila sa atin, hindi na nila kayang mabuhay sa ilalim ng ating basura,” babala ni Dr. Lavers.

Patunay lamang nito na malubha na ang plastic pollution sa buong mundo at maaring hindi lamang mga ibon ang nakakakain ng plastic kundi pati mga isda.

IBON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with