3-minute response ni Torre, angkop sa ninanais ni BBM!
PARA maging kampante ang mga Pinoy, nais ni President Bongbong Marcos na may nakikitang pulis na naglalakad sa kalye. ‘Di ba police visibility ito? Kapag may pulis kasi sa kalye, malaki ang paniniwala ni BBM na kapag may pumutok na krimen o anumang kaguluhan, may tatakbo o magresponde kaagad na pulis.
“Kailangan ang pakiramdam ng tao, laging may pulis dito (kalye). ‘Pag may pumutok dito, may tatakbo agad n’yan at wala pang five minutes may tatakbo na rito dyan na tinatanong kung ano ang nangyari dito,” ani BBM. “’Yan ang dapat,” dagdag pa niya.
Inilabas kasi ni BBM ang gusto n’yang mangyari sa PNP, habang hinihintay ng mga kosa ko kung magkaroon ng panibagong extension si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil. O may bagong hepe ng PNP sa pag-expire ng unang extension ni Marbil sa June 7.
Kung sabagay, ayon sa datos ng PNP, bumababa ang krimen sa bansa kaya lang parang hindi kampante ang mga Pinoy na ligtas sila sa kalye. Mismooo! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
“Sinabi ko sa kanila na dapat laging may nakikitang pulis na naglalakad. Kasi pagtagal ng panahon, makikita mo na ‘yan eh. O maging kaibigan mo ang pulis para kapag makita, safe kami rito nandun si Sgt. ganito, ganyan,” ayon pa kay BBM.
Ang police visibility sa kalye ay matagal nang na-implement ng PNP. Ang problema lang, dahil karamihan sa mga pulis ay may motorsiklo, dahil kaya nilang bumili sa pagtaas ng kanilang sahod, kalimitan umi-eskapo sila pagkatapos ng check attendance. Bumabalik lang sila sa hapon tuwing mag-roll call uli.
May iba namang pulis na hindi na pumapasok at nagbabayad na lang sa kanilang mga hepe. Kaya ang suma-total walang pulis na makikita sa kalye. Araguyyy! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sa ngayon, apat na opisyales ng PNP ang lumulutang na maaring papalit kay Marbil at lahat naman sila ay qualified. Sila ay sina DCA Lt. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez; TCDS Lt. Gen. Edgar Allan Okubo; CIDG director Maj. Gen. Nicolas Torre III, at NCRPO director Maj. Gen. Anthony Aberin.
Pero lahat naman ng senior officers ng PNP ay puwedeng pumili si BBM at malaking sorpresa ‘yan kapag hindi siya kasama sa apat. Gets n’yo mga kosa?
Siyempre, kapag nag-iikot ka sa Camp Crame, sari-saring pangalan ang maririnig mo dahil bawa’t isa sa kanila ay may kanya-kanyang manok. Sanamagan! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘ika nga!
Subalit dahil binanggit ni BBM ang five-minute response, abayyy sa pagkaalam nga mga kosa ko walang ibang may programa niyan kundi si Torre. Hindi pa nga five-minute response ang proyekto ni Torre kundi mas maikli pa dahil 3-minute response ito. Dipugaaa!
Sa pagkatanda ng mga kosa ko, hepe ng QCPD si Torre nang ilunsad niya ang 3-minute response vs krimen, droga at ang mga tauhan niya ay ginigiyahan ng CCTV at modernong gadgets.
Sa paglipat niya sa PRO11 ni-replicate ito ni Torre sa Davao City at naging birthplace pa ito ng 911. May bagong alas na naman si Torre! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!
Take your pick mga kosa?
Abangan!
- Latest