^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Tiyakin na may quality ang bigas na P20

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Tiyakin na may quality ang bigas na P20

KAPAG mura ang anumang bagay na binibenta, masasaisip na mahina ito o walang quality. Kaya ibinibenta ito nang mura ay dahil may depekto o kaya’y tira-tirahan o pinagsawaan. Kapag pagkain ang binenta nang mura ang sasabihin ay hindi masarap.

Sana hindi ganito ang mangyari sa binibentang P20 per kilo ng bigas na mabibili na ngayon sa Kadiwa Cen­ters sa Metro Manila at iba pang probinsiya. Unang nag­benta ng P20 per kilo ng bigas sa Cebu City noong Mayo 1. Pinilahan ng mga tao ang murang bigas. Prayoridad sa P20 per kilong bigas ang senior citizens, 4Ps members, person with disabilities, pregnant women at single mothers.

Mahigpit ang utos ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa National Food Authority (NFA) na tiyaking maganda ang kalidad ng bigas na P20 per kilo. Ayon kay Tiu Laurel, nakipag-meeting na siya sa regional ­managers at mga opisyal ng NFA. Sabi ni Tiu, ito na raw ang pagkakataon para sa mga opisyal ng NFA na patunayan na ang bigas mula sa NFA ay may kalidad. Sa pamamagitan daw ng pagkakaloob nang mahusay na bigas, mawawala ang kaisipan ng mga tao sa NFA rice na hindi ito kaibig-ibig kainin.

Abril nang ihayag ni Tiu Laurel na magsisimula nang magbenta ng P20 kada kilo ng bigas sa Kadiwa Centers. Mariing sinabi ng Kalihim na ang bigas na ibebenta ay may kalidad. Kapag sinabing may kalidad, kaibig-ibig itong kainin at walang masasayang.

Isang araw makaraang ihayag ni Tiu Laurel ang P20 kada kilong bigas, ipinahayag ni Vice President Sara Duterte na ang P20 per kilo ng bigas ay ‘yung puwe­deng­ kainin ng tao at hindi ‘yung pinapakain sa baboy. Ayon pa sa Vice President hindi raw mga hayop ang mga Pilipino.

Maraming umalma sa sinabi ng VP sapagkat nagko­mento na agad ito sa P20 kada kilong bigas gayung hindi pa naman ito sinisimulang ibenta sa Kadiwa Centers. Sagot ng Malacañang sa sinabi ni Sara na sana ay huwag pairalin ang crab mentality at huwag ding maging anay sa lipunan.

Mula nang simulang ibenta ang bigas na P20 per kilo, wala pa namang nagrereklamo sa mga nakabili na ito ay para sa baboy. Ibig sabihin, may quality ang murang bigas na binibenta sa Kadiwa Centers. Mapanatili sana ang ganitong kalidad para ganap na masiyahan ang taumbayan.

Matupad din naman sana ang pangako na hindi lamang senior citizens, 4Ps members, person with disa­bilities, pregnant women at single mothers ang maki­kinabang kundi lahat ng Pilipino. Harinawang maparami rin ang aning palay sa bansa para hindi na mag-aangkat.

RICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with