^

PSN Opinyon

Food vendor, ipinaghiganti ang mga pinatay na kaanak sa pamamagitan ng empanadang may lason!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG babaing tindera ng empanada ang naging sentro ng balita sa Haiti matapos siyang umamin na siya ang nasa likod ng pagkamatay ng 40 gang members sa pamamagitan ng paglagay ng lason sa kanilang pagkain.

Ayon sa mga ulat, ginamit ng babae ang kanyang hanapbuhay bilang cover para maisakatuparan ang kanyang matagal nang planong paghihiganti para sa mga pamilyang pinaslang umano ng nasabing grupo.

Ang insidente ay naganap sa Kenscoff district sa Port-au-Prince, isang lugar na matagal nang pinamumugaran ng mga malulupit na gang.

Kilala sa lugar ang nasabing babae bilang isang ma­ayos at respetadong tindera ng Pâté Kode, isang uri ng Haitian style empanada.

Sa isang pagkakataon, nag-alok siya ng mga libreng Pâté Kode sa mga miyembro ng gang na kumokontrol at may hawak sa kanilang komunidad.

Ngunit sa likod ng kanyang pamimigay ng libreng empanada ay ang kanyang planong paghihiganti. Ayon sa mga report, ang empanada ay nilagyan ng isang mala­kas na uri ng industrial insecticide.

Makalipas lamang ang ilang minuto matapos kainin ang mga empanada, nakaranas nang matinding pananakit ng tiyan at pagsusuka ang mga miyembro ng gang. Lahat sila ay namatay bago pa man madala sa ospital.

Ayon sa report, ang mga namatay ay pawang miyembro ng “Viv Ansanm”, isang grupong konektado kay Jimmy Cherizier o “Barbecue”, isang dating pulis na naging kilalang crime boss sa Haiti.

Matapos ang insidente, agad na umalis ang babae sa kanyang tahanan, na kalauna’y sinunog ng naturang grupo. Boluntaryon siyang sumuko sa awtoridad at inamin na mag-isa niyang isinagawa ang buong plano.

Hanggang ngayon, hindi pa malinaw kung siya ay kakasuhan, lalo pa’t ang mga namatay ay may koneksiyon sa maraming kasong kriminal.

Sa Haiti, tila nawalan na ng tiwala sa justice system ang mamamayan at marami ang nagsabing nakahanap sila ng kakaibang uri ng hustisya sa ginawa ng babaing vendor ng empanada.

STORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with