^

PSN Opinyon

Caterpillar, pangunahing sangkap sa isang ulam sa Vietnam!

Pilipino Star Ngayon

Tuwing Marso at Abril, matatagpuan sa Central Highlands ng Vietnam ang isang hindi pangkaraniwang sangkap sa kanilang local cuisine, ang cassia caterpillar.

Sa panahong ito, sinasalakay ng mga dilaw na insekto ang mga puno ng cassia, at bago pa sila tuluyang maging paruparo, kinokolekta sila ng mga residente para lutuin at kainin!

Ayon sa mga lokal, ang mga caterpillar ay buhay na ikinukulong sa isang lalagyan sa loob ng apat hanggang anim na oras upang maalis ang laman ng kanilang tiyan. Pagkatapos ay hinuhugasan at binabanlian ng kumukulong tubig.

Pagkatapos ay ginigisa sa mantika, bawang, sibuyas, at asin. Dinadagdagan ito ng hiniwang dahon ng dayap bilang seasoning. Bagama’t may mga naghahain nito nang inihaw, mas karaniwan ang paggisa.

Ang finish product nito ay may malutong na balat at malambot na loob, may pagkakahawig ito sa silkworm ngunit may mas malinamnam na lasa at hindi gaanong mamantika. Sa kabila ng pagiging weird na ulam, itinuturing itong masarap nang mara­ming lokal na residente ng Central Highlands.

Dahil sa limitadong panahon ng pag-aani, mataas ang presyo ng cassia caterpillar. Sa Central Highlands, umaabot ito sa VND 200,000–250,000 kada kilo (katumbas ng P460–P580), at mas mataas sa ibang rehiyon na pumapalo sa VND 350,000–400,000 kada kilo (P805–P920), na kapantay ng presyo ng ilang uri ng seafood.

Gayunman, may naiulat na ilang tao ang nagkakaroon ng allergic reaction matapos kumain nito, gaya ng pangangati ng balat. Sa kabila nito, patuloy pa rin itong tinatangkilik bilang bahagi ng lokal na kultura sa naturang rehiyon.

CENTRAL HIGHLANDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with