^

PSN Opinyon

EDITORYAL - May maniniwala pa ba sa surveys

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - May maniniwala pa ba sa surveys

Sa mga susunod na election sa bansa, maaring mabawasan na ang maniniwala sa mga inilalabas na surveys ng iba’t ibang firm kaugnay sa mga kandidato. Ito ay makaraang “pumalpak” ang mga inilabas na surveys kung saan hindi tumugma ang mga nanalo sa election partikular sa mga tumakbong senador.

Halos nagkakapareho ang mga inilabas na surveys sa ranking ng mga kandidatong senador base sa isina­gawang survey. Pero nang matapos ang election, iba ang lumabas. Ang mga nasa ibaba ay umakyat at ang nasa dakong unahan ay bumaba. Tanging si Senator­ Bong Go ang hindi natinag sa unang puwesto. Subalit ang ikalawa hanggang ika-12 puwesto ay natinag dahilan para marami ang magtaka. Anyare sa mga survey? Kinokondisyon ba ang isipan ng mga mamamayan para ang inilalabas na survey ang gayahin ng mga bo­tante. Bago ang election noong Lunes, halos magkakapareho ang mga inilabas na surveys para sa mga tumatakbong senador na para bang yun na nga ang talagang kalalabasan ng election.

Pero nang matapos ang election at magsimula ang bilangan, ang trend na ibinanbando ng surveys ay na­bago. Halimbawa ay si Bam Aquino na nasa ika-12 pu­westo ayon sa survey, ay umakyat sa ikalawang puwesto. Si Kiko Pangilinan na nasa ika-16 na puwesto ay napunta sa ikaapat na puwesto at si Rodante Marcoleta na nasa ika-18 puwesto ay napunta sa ikaanim na puwesto.

Nakagugulat ang mga nangyari na nagpapakita na ang mga ginagawang surveys ng iba’t ibang firm ay hindi dapat paniwalaan. Tama ang mga sinasabi na ang tunay na survey ay ang mismong election. Ang mga inilalabas na survey ay sumisira sa kaisipan ng mga boboto.

Ngayong napatunayan na may nangyaring “kapal­pakan” sa mga isinagawang surveys, dapat marahil na ipatigil na ito sa mga susunod na election. Ano pa ang silbi ng survey na hindi naman tumutugma at lumalabas na iniimpluwensiyahan lamang ang opinyon ng mamamayan. Wala nang nakikita pang dahilan para ipagpatuloy pa ang mga survey.

Mayroon din namang nagtataka na kahit kailan daw ay hindi pa sila nasu-survey. Totoo raw ba talaga na may mga respondents ang ginawang survey o sila-sila na lang ang gumagawa nito. Minsan sinabi ng yumaong President Noynoy Aquino noon na may mga survey na binili lamang sa Quiapo.

Nagpanukala naman noon ang isang dating Comelec chairman na itigil na ang pagpapalabas ng mga survey sapagkat hindi ito kumakatawan sa totoong boses ng mga botante.

SURVEYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with