^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Mga sangkot sa vote buying hahabulin pa?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Mga sangkot sa vote buying hahabulin pa?

HALOS tapos na ang election at marami nang na­iproklamang kandidato lalo sa local positions­. Sa Metro Manila, halos lahat ng mga nanalong mayor at vice mayor ay naiproklama na kahapon. Maging ang mga nanalong governor at vice governor ay marami na ring naiproklama. Tanging ang mga nanalong senador ang aabutin pa ng ilang araw bago maiproklama. Ayon sa Commission on Election (Comelec) maaaring abutin ng limang araw bago maiproklama ang mga nanalong senador.

Ang malaking katanungan ngayong nakaraos na ang midterm election ay kung ipagpapatuloy pa ang pagsasampa ng kaso sa mga kandidatong sangkot sa vote buying. May kandidatong na-disqualify dahil sa pagbibiro sa mga single parent pero wala pa kahit isang nasasampahan ng kaso dahil sa vote buying.

Ayon sa Comelec, nakatanggap sila ng 600 kaso ng vote buying at patuloy umano nila itong iniimbes­tigahan. Hindi raw mangingimi ang Comelec na ipatu­pad ang batas. Sabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa isang radio interview dalawang araw bago ang May 12 elections, hahabulin nila ang mga sangkot sa pamimili ng boto.

“Hindi kami magpapa-tumpik-tumpik na ipatupad ang batas. Kung kinakailangan mag-disqualify kami kahit kayo ay manalo na. Kahit nga kayo ay matalo, hahabulin namin kayo dahil mayroon naman tayong kasong election offense na puwedeng i-file kahit limang taon pagkatapos na ma-commit ang krimeng ito,” ani Garcia.

Ayon sa report ng foreign observers, ang bilihan ng boto ay nagre-range mula P150 hanggang P5,000, in cash or kind. Ayon pa sa foreign observers, kadalasang ang pamimili ng boto ay sa mga mahihirap na lugar na kontrolado ng political dynasties. Ang Internal Observer Mission ay may tinatayang 100 foreign observers na nasa iba’t ibang panig ng bansa sa panahon ng election period.

Ayon sa Comelec, nakatanggap sila ng report ukol sa vote buying sa NCR, Laguna, Bataan, Pangasinan, Zamboanga City at iba pang probinsiya.

Ipursigi ng Comelec ang paghabol sa mga inaaku­sahang namakyaw ng boto. Huwag hayaang makahulagpos sa batas ang mga kandidatong namudmod ng pera. Nararapat may masampolan sa kanila para hindi na tularan sa susunod pang mga halalan.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with