^

PSN Opinyon

Alvin Que, may nangha-harass pa!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MATALINO pa sa matsing ang kidnap suspect na si David Tan Liao subalit dahan-dahang hinuhubaran ang maskara at balat n’ya ng SITG na binuo ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil. Kung hindi ba naman masabing matalino si Liao e nakuha niyang makapagbukas ng VIP junket si Alvin Que at doon pinahulog ang P160 milyon na ransom money.

Si Alvin ay anak ng kidnap victim na si Anson Que o Anson Tan. Siyempre, dahil sa pagkahulog niya ng ransom money sa junket account sa kanyang pangalan, itinuro ni Liao si Alvin na mastermind sa kaso. Araguyyy!

Buti na lang nag-iingay si Teresita Ang-See ng MAHRO, kaya lumutang si Marbil para linisin ang pangalan ni Alvin, matapos walang mailabas na corroborating evidence si Liao sa akusasyon niya. Mismooo! Hehehe! Matalino man si Liao napaglalangan din ni Marbil!

Ang ipinagtataka ng Chinese community, ay kung bakit malaya pa si Liao, at kasamang kidnap suspect na si Gong Wenli, eh sangkot sila sa kidnapping cases na, ayon sa batas ay non-bailable. Ayon sa Chinese embassy, may halos 21 kidnapping cases si Liao at marami sa mga biktima niya ang ayaw nang magreklamo matapos magbayad ng ransom.

Kung may nagsampa man na kaso sa kanila ni Gong Wenli, nakapaglagak sila ng piyansa at hayun balik na naman sila sa kidnapping na trabaho nila. Baka ang pag-akusa rin sa mga kamag-anak ng biktima na mastermind, tulad ni Alvin, ang ginawa nina Liao at Gong para makalaya? Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Si Liao ay gumagamit nang maraming alyas at ang ipinagtataka pa ni Marbil, may birth certificate siya. Magkano? Sinabi ng mga kosa ko sa Chinese community na si Liao ay may red notice sa Interpol ng China at dahil naging Pilipino citizen siya, nakaligtas sa delubyo, lalo’t magaling makihalubilo sa mga pulitiko at government officials.

Di ba nagkalat pa sa social media ang mga pics niya kasama ang kung sinu-sinong pulitiko at dignitaries? Ganun na nga! Sa pagturo ni Liao kay Alvin bilang mastermind sa kidnap-slays ni Anson at driver, hilong talilong ang huli. Gusto na sanang umalis ng bansa ni Alvin, subalit napigilan siya dahil baka lalong lumala ang akusasyon ni Liao laban sa kanya.

Subalit hindi nagtapos ang pangha-harass kay Alvin dahil may nagpipilit na idiin pa siya sa kaso ng ama. Baka may nais kumita ng P50 milyon? Sanamagan! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kaya naman dahan-dahang nahuhubaran ang kidnapping syndicate ni Liao mga kosa ay dahil sa pag-intercept ng PNP at ibang ahensiya ng gobyerno ng P444.92 milyon, $168,730 at HKD 1,000 sa Mactan-Cebu International Airport noong Biyernes.

Inaresto ang anim na Chinese, isang Indonesian, Kazakstani at Malaysian at dalawang Pinoy na naglabas ng certification na ang pitsa ay napanalunan nila sa casino, at ang junket operator ay ang “White Horse.”

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, ang “White Horse” ay kapangalan ng isa sa junket operators, na ang electronic wallet ay na-trace na hinulugan ng ransom money ng Que family.

Ang isa ay ang 9 Dysnaty na pag-aari ni Mark Ong, na may red notice din sa China, ayon sa Chinese community. Dipugaaa! Ang malaking pagkakamali ni Liao ay pinatay nila si Anson kaya hayun hinahalungkat na sila ng SITG ni Marbil! Abangan!

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with