Bakit may eye bags at anong lunas dito

MARAMING nagtatanong kung bakit nagkakaroon ng eye bags.
Nagkakaroon ng eye bags kapag sobra ang pagpupuyat, laging kulang sa tulog, paninigarilyo at sobrang pag-inom ng alak.
Dahil sa mga ito, nababawasan ang laman sa ilalim ng mata, nasisira ang mga ugat at nangingitim ang mata.
Narito ang mga gagawin para mabawasan ang eye bags:
1. Matulog ng 7-8 oras bawat gabi.
2. Kung hindi makatulog, humiga lang at ipikit ang mga mata.
3. Magpalamig ng ilang hiwa ng pipino. Ilagay ang pipino sa yelo o refrigerator. Ipikit ang mata at ipatong sa ibabaw ng mata ng 15 minuto. Palitan ang pipino kapag hindi na ito malamig.
4. Puwede ring gumamit ng tea bags. Ilubog ang dalawang tea bags sa maligamgam na tubig. Pagkatapos ay palamigin ito sa refrigerator. Ipatong ang tea bags sa mata ng 15 minuto. Ang sangkap na tannin sa tea ay nakatutulong sa pagbabawas ng pamamaga at pangingitim ng mata.
5. Kung nagmamadali, kumuha ng yelo o pinalamig na kutsara at ipatong ito sa eye bags. Gawin ito ng ilang minuto lang habang malamig pa ang kutsara.
6. Uminom ng 8-10 basong tubig bawat araw. Para hindi dehydrated ang katawan.
7. Umiwas sa nakaka-allergy na bagay o pagkain. Maaring mamaga ang mata kapag may allergy.
8. Iwasang ma-stress.
9. Panatilihin na laging maging masaya para gumanda at mabawasan ang eye bags.
- Latest