^

PSN Opinyon

Binata may misteryosong karamdaman kung saan baliktad ang kanyang pakiramdam sa init at lamig!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG 22-anyos na binata sa Sydney, Australia ang dumaranas ng kakaibang kondisyon sa katawan kung saan tila baliktad ang kanyang pakiramdam sa init at lamig. Sa halip na malamigan kapag humahawak ng frozen na bagay, napapaso ang kanyang balat, at kapag mainit naman ito, ay nararamdaman niyang nag­yeyelo ito!

Si Aidan McManus ay nagsimulang makaranas ng sintomas sa edad na 17, noong siya ay high school student pa lamang. Una niyang napansin ang pana­namlay at pamamanhid ng kanyang mga paa, na sinundan ng pamamaga.

Dinala siya sa ospital ngunit hindi epektibo ang gamot na ibinigay sa kanya. Mula noon, lumala pa ang kanyang kalagayan, ang simpleng paglalakad ay tila pagtapak sa mga aspile.

Sa gitna ng kanyang laban sa post-viral irritable bowel syndrome (IBS), patuloy na lumalala ang kanyang nararamdaman kung saan kumalat ang kakaibang sensasyon sa kanyang mga kamay. Aniya, ang malamig ay tila nagdudulot ng pagkasunog sa kanyang balat, habang ang mainit ay nagbibigay naman ng pakiramdam ng sobrang lamig.

“Hindi namin inakala na aabot agad sa kanyang mga kamay ang sakit. Akala namin, mga 10-15 taon pa bago ito mangyari,” ani Angela McManus, ina ni Aidan. “Isang gabi, lumapit siya at sinabing parang nasusunog ang kanyang kamay matapos hawakan ang malamig na softdrinks in can.”

Maraming pagsusuri at mga procedure na ang isinagawa ng mga neurologist upang mauna­waan ang kanyang kondisyon, kabilang na rito ang lumbar puncture at nerve biopsy ngunit matagal bago natukoy ang dahilan.

Kalaunan, na-diagnose si Aidan na may axonal peripheral neuro­pathy, isang uri ng generalized nerve disorder na nakaaapekto sa kakayahan ng mga nerves na magpadala ng signal sa katawan.

Dahil sa panganib ng maling paghawak ng mainit o malamig, hindi na siya makapagluto o maka­gawa ng mga simpleng gawain.

“Kailangan ko siyang paalalaha­nan sa tuwing siya ay kumakain, kung mainit ba o malamig,” dagdag ng ina nito.

Sa kabila ng matinding kala­gayan, tinanggihan ng National Disability Insurance Agency (NDIA) ng Australia ang kahilingan ni Aidan para sa tulong pinansiyal, sa dahilang hindi pa umano nito nasubukan ang lahat ng possible treatment options.

Gayunman, ayon sa kanyang neurologist, progresibo at walang lunas ang kondisyon ni Aidan. “Ito ay isang hindi magagamot na sakit at malamang ay patuloy pang lalala. Buo ang suporta ko na siya ay mapasama sa NDIA,” ayon sa liham ng doktor.

Sa ngayon, patuloy ang pakikipaglaban ni Aidan at ng kanyang pamilya para sa suporta mula sa gobyerno.

STORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with