Ex-aircon technician supervisor KEVIN SOLER, URBAN GARDENER
Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang matagumpay na buhay sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman ng dating aircon technician supervisor sa Laguna.
Ang aking tinutukoy ay si Urban Farmer na si Kevin Soler, isang volunteer gardener ng Phase 6 Garden Zone 2, Open Space, Aguinaldo St. corner 16th St., Pacita Complex 2, San Pedro, Laguna.
Tiyak po ay kapupulutan ninyo ng aral, inspirasyon at motibasyon ang buhay paghahalaman ni Soler.
Ang dating binubutingting ni Soler at isinasaayos ay mga sirang aircon pero ngayon ay paglinang ng lupa at pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman, tulad ng green leafy vegetables at fruit bearing trees.
Ayon kay Soler, nagsimula siyang mag-full time sa paghahalaman noong kasagsagan ng pandemya sa covid-19 matapos ialok sa kanya na linangin ang bakanteng lupa sa kanilang subdibisyon na ginagawa lamang tambakan at tapunan ng basura.
Ayon kay Soler, pag-aari ng Local Government Unit (LGU) ng San Pedro, Laguna ang mahigit sa 3,000 square meter na bakanteng lote.
Aniya, nilinis nila, isinaayos at ipinatag ang nasabing lote saka nagtanim ng mga gulay at prutas.
Noong una ay ipinamimigay lamang nila ang mga harvest nilang gulay sa mga residente ng Pacita Complex bilang bahagi ng clean and green at Urban Gardening program ng LGU ng San Pedro.
Ginawa rin educational site sa pagtatanim ang lugar para sa lahat ng gustong matuto sa pagtatanim ng sariling pagpakain kahit sa mga paso, bote o may maliit na espasyo sa kanilang mga tahanan.
Pahayag ni Soler, nagpakadalubhasa siya sa pagtatanim hanggang unti-unti niyang na-perfect at napaganda ang halos lahat ng kanyang mga itinatanim.
“Dapat kasi maipakita mo sa mga pumupunta rito na maganda ang iyong mga tanim para mahikayat mo silang magtanim din. To see is to believe, ika nga. Kapag nakita nilang maganda ang iyong mga tanim at maganda ang iyong set up ay nais din nilang magkaroon ng ganun, pahayag ni Soler.
Ani Soler, ipinagkatiwa niya sa Panginoon ang kanyang magandang ginagawa sa paghahalaman.
“Ang tao ay to see is to believe pero ang Panginoon ay believe and you will see, maniwala ka at makikita mo,” Sabi ni Soler.
Naniniwala si Soler na ginagabayan siya ng Panginoon sa kanyang adbokasiya at layunin na papalaganapin ang urban farming, hindi lamang sa buong San Pedro, Laguna kundi maging sa buong probinsiya.
Dati ay convensional farming o sa lupa lamang ang ginagawang pagtatanim ni Soler, ngayon ay mayroon na ring green house at nagtatanim sa pamamagitan ng Hhdroponics method of farming.
Nagkapag-conduct na rin ng libreng seminar si Soler lalo na sa mga estudyante sa iba’t ibang paaralan ng San Pedro, Laguna at iba’t ibang organisasyon na nais matuto sa pagtatanim.
Naka-tie up din si Soler sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of Agriculture (DA) lalo na ang kanyang pagbibigay ng free training and seminars sa mga nagpupunta sa kanilang garden.
Sa mga residente San Pedro, Laguna na nagnanais matuto sa pagtatanim at mag-avail o bumili ng mga produkto na tanim ni Soler ay i-text lamang po ninyo siya sa kanyang number na 0905-272-67-99.
Ngayong Linggo, May 18, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Soler sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.
Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest