^

PSN Opinyon

Rody o Karlo?

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

GAANO ba kasigurado si Atty. Karlo Nograles na mananalo siya laban kay dating President Rodrigo Duterte sa pagka-mayor ng Davao City ngayong election na gaganapin sa araw na ito.

Iyan din ang nasa isip ng mga kababayan natin hindi lang dito sa Davao City o maging sa Mindanao at inaabangan din ng karamihang Pilipino sa buong bansa.

Ano ang magiging kapalaran ni Duterte pagkatapos niyang maging Presidente at pinangunahan nga ang Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban ng Bayan (PDP-Laban) sa eleksiyong ito.

Walang nakaaalam kung ano ang magiging kapalaran ni Duterte at ni Nograles  mismo.

Kung si Duterte ay 80-anyos na, si Nograles naman ay 48, halos kalahati nga ang kanilang mga edad.

Maraming nag-iisip ngayon kung mananalo ba si Nograles samantalang nasa International Criminal Court (ICC) detention facility sa The Hague, The Netherlands ang katunggaling si Duterte.

Hindi na nga nakapagpatuloy ng pangampanya si Duterte dahil siya’y inaresto at nilipad agad sa The Hague noong Marso 11. Dalawang buwan na kahapon sa detention si Duterte na nahaharap sa kasong crime against humanity. Sa Setyembre 23, 2025 pa ang simula ng pagdinig sa kanyang kaso.

Si Nograles naman, nagkaroon ng panahon na ­mangampanya sa nalalabing campaign period para sa lokal na halalan. Siya ay ilang beses ding nakapagtrabaho bilang Cabinet Secretary at head ng infectious disease management noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Naging spokesperson din siya ni Duterte bago pa man siyang maging chairman ng Civil Service Commission noong 2022.

Sinikap kong makuha ang panig ni Nograles kung gaano ba siya kasiguradong mananalo laban kay Duterte pero hindi siya sumasagot sa aking mga tawag.

Kaya ang katanungang sino kina Duterte at Nograles ang mananalong mayor ay masasagot na ngayong araw na ito ng election.

Sino kina Duterte at Nograles?

KARLO NOGRALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with