Trahedya sa Vancouver
KALUNUS-LUNOS ang sinapit ng mga kababayan natin habang nagsasagawa ng Lapu-Lapu Festival sa Vancouver, Canada. Ayon sa report, 11 ang patay at maraming nasugatan. Lumalabas na sinagasa ng itim na SUV ang parade ng mga Pilipino na nagsasagawa ng Lapu-Lapu Festival. Ang event ay may kaukulang permiso mula sa Vancouver government kaya naisagawa ang parade.
Bagamat nahuli ang drayber ng SUV at nai-turn-over sa kapulisan, lumalabas na may deperensiya ito sa pag-iisip. Kawawa naman ang kalagayan ng ating mga kababayan na namatay at nasugatan. Sabagay hindi naman papayag ang mga opisyales ng Vancouver na mabalewala at makalalaya ang 30-anyos na lalaki dahil kahaharapin nito ang maraming kaso.
Ewan ko lang kung katulad ng batas natin dito ang umiiral sa Vancouver na basta maimpluwensiya at mayaman mabilis na maaareglo ang mga biktima. Sa pagkaalam ko sa ibang bansa kapag nasangkot sa aksidente at makasugat nang marami, tanggal agad ang license at hindi na magkakaroon muli dahil korte na mismo ang nag-uutos. Hindi na makapagmamaneho habambuhay.
Nalaman ko na tutulungan ng gobyerno ang mga biktima sa Vancouver. Inatasan na ni President Ferdinand Marcors Jr., ang Department of Foreign Affairs na asistehan ang mga kababayang nabiktima.
- Latest