Babae sa Brazil, nilason ang karibal at mga anak nito gamit ang chocolate Easter egg!
TRAHEDYA ang inabot ng isang pamilya sa Imperatriz, Brazil matapos makatanggap ng lason sa anyo ng Easter chocolate eggs. Dalawang bata ang nasawi at isang ina ang kritikal matapos kumain ng mga tsokolate na ipinadala ng ex-girlfriend ng kanyang mister.
Kinilala ang suspek na si Jordelia Pereira Barbosa, na naglakbay pa ng daan-daang milya para isakatuparan ang krimen. Sa isinagawang imbestigasyon, natunton sa CCTV footage si Barbosa na bumibili ng chocolate eggs habang nakadisguise at kalaunan ay nahuli habang bumababa ng bus sa Santa Ines.
Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente, ngunit naniniwala ang mga awtoridad na selos at galit ang nagtulak sa suspek para sumira ng buhay noong nakaraang Easter Sunday.
- Latest