^

PSN Opinyon

Pagtatanim at pagpapabunga ng strawberry sa mga bote

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang simple at madaling pagtatanim at pagpapabunga ng strawberry sa mga bote ng mineral water.

Ang ise-share ko sa inyo ay base sa aking personal na karanasan sa aking mga tanim na strawberry sa harap ng aming bahay.

Dalawang uri ng pagtatanim ang ibabahagi ko sa inyo.

Ang una ay mula sa seeds o buto ng strawberry. Kapag kayo ay bumili ng strawberry at natikman ninyo na matamis at akma sa inyong panlasa ay kumuha kayo ng buto nito na nasa balat.

Hugasang mabuti at patuyuin sa hangin ng 24 na oras.

Ibalot sa basang tissue, ipasok sa plastic at ilagay sa isang sulok.

After 2-week ay magsisimula na itong tumubo at puwede nang itanim sa buhaghag na lupa.

Kung mayroon ka-yong enough space na pagtataniman ay maganda itong itanim ng direkta sa lupa. Anim oras sa maghapon dapat ay naaarawan ang inyong tanim. Kung wala namang sapat na espasyo, puwede itanim ang buto ng strawberry sa malaking paso o malaking timba at bote ng mineral water.

Ang ikalawa ay ang pagtatanim mula sa runners ng strawberry.

Ibaon lang nang bahagya sa lupa ang runners hanggang isang linggo ay tutubo na ito.

Kapag nakita ninyong may ugat na ang runners at nakakapit na ng husto sa lupa ay gupitin na ito para maiwalay sa mother plant ng strawberry.

Sa pagpapabunga ng strawberry, ito ay kailangan diligan at ispreyan ng foliar fertilizer tulad ng Fermented Fruit Juice (FFJ) at binabad na balat ng saging.

Kapag nagsimula nang maglabas ng flower, maglagay din kayo ng vermicast o kaya ay chicken manure o compost sa inyong tanim na strawberry.

Ang lupa na magandang gamitin sa pagtatanim ng strawberry ay 60 percent buhaghag, 20 percent ay vermicast at 20 percent ay cocopeat

Ganon lang po ka-simple ang aking ginagawa sa aking mga tanim na strawberry.

Kahit sa mainit na lugar, tulad ng Metro Manila ay puwedeng magtanim at magpabunga ng strawberry.

Samantala, para sa iba pang tips at mga sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng mga halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.

Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Colum-nist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

FARM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with