^

PSN Opinyon

Bakit nga ba ‘mababait’ ang tawag mo sa daga?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HINDI lang inis, kundi takot pa nga ang tao sa daga. Pabulong kung pag-usapan ang daga, at “yung mababait” ang tawag dito. Paniwala kasi nang marami na nakikinig ang daga sa kanila, at baka lalong kainin ang ulam at sirain ang mga damit nila kung paramdaman ng galit.

Pati ang pagpatay sa daga ay pinag-iingatan. Wag daw basta bambuhin at itapon sa basura dahil makikita at mag­hihiganti ang mga kamag-anak nito. Dapat daw lunurin tapos sunugin—double dead ika nga.

May peste na naman ng dagang bukid sa iba’t ibang pro­binsiya. Nagpapabuya ang mga mayor ng P10 kada buntot ng daga na isumite sa munisipyo.

Ganundin ang ginawa ni President Marcos Sr. nu’ng Dekada ‘70; nagpapremyo ng P1 kada buntot.

Noong 1902, pineste ng daga ang Hanoi, French Indo­china. Nagpabuya ang gobyerno ng 1¢ kada buntot. Pero na­natili ang milyong daga. Natuklasan ng opisyales na pinuputol lang ng mga tao ang buntot, tapos pinakakawalan ang mga daga. Ito’y para manganak nang mas marami pa at maka­hakot ng premyo. Kumalat sa Hanoi ang 3rd Bubonic Plague mula sa Yunnan, China nu’ng 1855.

Noong 1285 sumibol ang alamat ng “Pied Piper ng Hamelin”. Pineste ng daga ang bayan sa Germany. Dumating ang isang lolot na nakasuot ng mga pirasong telang pinagtagpi-tagpi, parang pie. Mapapaalis daw niya ang mga daga. Pina­ngakuan siya ng mayor ng gantimpalang 1,000 guilders kung magawa niya ‘yon.

Tinugtog ng lolot ang flute. Lumabas lahat ng daga. Sinun­dan siya ng mga ito hanggang sa Ilog Weser, ku’ng saan nalunod ang “mababait”.

Pero sinuba siya ni mayor; 50 guilders lang ang ibinayad. Sa galit ng lolot tumugtog siya ulit at sinundan siya ng lahat ng bata sa Hamelin. Dinala niya ang mga ito sa mahiwagang bundok, at hindi na sila nakabalik.

RAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with