^

PSN Opinyon

P20/kilo bigas, huwag gamitin sa pulitika

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAGBIGAY daw ng permiso ang Comelec sa LGUs na mag­benta ng P20 per kilo ng bigas ngunit may mabibigat na kondisyon. Wala dapat ang presensiya ng mga kumakandidatong pulitiko upang hindi magamit na pang-akit ng boto.

Ngunit kahit wala ni anino ng kandidato sa distribusyon ng murang bigas, komo ito’y programa ng administrasyon, maski papaano ay magiging puntos ito sa mga kandidato ng pamahalaan sa darating na midterm election. Matatanim sa isip ng tao, like it or not, na ito’y proyekto ni Marcos.

Ano pa man ang motibo, natural na magiging “welcome” ito sa mga mamamayang Pilipino dahil napakalaki ng kamurahan sa commercial rice. Kumpara sa P50 bawat kilo, malaking katipiran ang maibibigay nito lalo na sa mahihirap na mamimili.

Ngunit sa nag-iisip na mamamayan, batid nating temporary lang ang epekto niyan dahil hindi puwedeng pangmatagalan at pangkalahatan. Maituturing itong dole-out sapagkat bahagi ng ating ibinabayad na buwis at ipinang-aabono para ibaba sa P20 ang kilo ng P33 per kilo ng bigas.

Sa patung-patong na inflation na dinanas na natin at iba pang factors na nakaaapekto sa ekonomiya, imposible nang maibaba ng makatotohanan ang halaga ng bigas at iba pang bilihin.

Paunlarin ang produksiyon upang pati ang labor ay luma­kas at tumaas ang suweldo ng manggagawa. Iyan ang tunay na solusyon sa problema at hindi ang subsidiya.

RICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with