^

PSN Opinyon

Mayor Sotto, bitin ang ayuda sa mga estudyante!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

POGING-POGI ang dating ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa social at traditional media dahil sa accomplishments niya sa loob ng anim na taon. Dahil dito, maging ang tatay niya na si Vic Sotto, ang host ng popular noontime show na Eat Bulaga, ay ibinando na si Vico na ang next president ng Pinas dahil sa sobrang sikat siya. Eh di wow! Ang tanong lang, totoo nga ba na may accomplishments itong city government sa liderato ni Vico? Baka naman optics lamang ang lahat? Araguyyy!

Kasi nga, nagtala ang Pasig City ng Gross Domestic Product na P482 bilyon noong 2023 o 4.8 percent na mas mataas sa GDP ng siyudad noong 2022. ‘Ika nga, ang GDP per capita ng lungsod ay nasa P546,989. Ang hirit ng taga-Pasig ay bakit parang kulang ang mga serbisyong natatanggap nila. Sanamagan!

Kung serbisyo-publiko ang pag-uusapan, hindi maialis ng taga-Pasig na ikumpara sila sa kapitbahay na Muntinlupa City na ang GDP ay P264 bilyon lamang noong 2023 o may 4.1 prosiyento na pagtaas noong 2022. Sa mahigit P200 bilyong diperensya sa GDP ng dalawang lungsod, iisipin na sana mayroong mas maayos at modernong imprastraktura at pasilidad sa Pasig City kumpara sa Muntinlupa.

At higit sa lahat, dapat din lang na mas mahusay ang mga serbisyong ibinibigay ng Pasig. Dipugaaa! Ang sakit sa bangs nito! Siyempre, umaasa ang taga-Pasig na makakuha sila ng mas mataas na serbisyo mula sa kita na bilyones ng city government. Subalit, mukhang nilampasan si Vico ng serbisyo na pinaiiral ni Mayor Ruffy Biazon ng Muntinlupa City kahit sandamakmak ang lamang ng Pasig sa kita. Mismooo!

Ikumpara rin ang sitwasyon ng Pasig National High School ni Vico sa Sucat National High School na pinatatakbo naman ni Biazon. Sori mga kosa ha? Election period na kasi kaya hindi maiwasan na magkumparahan. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize yan?

Ganito yan mga kosa, may iba’t ibang pasilidad ang PNHS para sa mga estudyante nito. Nag-aalok ito ng mga amenities tulad ng silid-aralan, basic school facilities, at extracurricular activities para sa mga mag-aaral. Nagbibigay din ang city government ng mga gadget, software, at mga internet allowance sa mga estudyante, pati na rin resources para sa mga teachers.

Sa kabilang banda, ang SNHS ay nag-aalok ng mga akademiko at teknikal-bokasyonal na track sa kanilang mga estudyante. Meron itong mga pasilidad tulad ng air condition sa mga silid-aralan, makabagong laboratoryo, at mga amenities gaya ng student lounge, elevator at modernong banyo.

Ang mga programa ng mga guro nito ay isa rin sa pinakamahusay sa bansa. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs! Sa bilyones na kinikita ng pamahalaang lungsod ng Pasig, nakapagtataka kung bakit hindi pa rin moderno ang mga amenities o pasilidad ng PNHS nang sa gayon ay makinabang ang mga estudyante nito.

Ang kailangan ng mga mag-aaral sa lungsod ng Pasig ay smart decisions at konkretong aksyon para sa ikabubuti ng kanilang mga interes—hindi mababaw na reforms o mga pangakong napako upang makakuha ng mga puntos sa pulitika para lamang sa optics. Sa pagtakbo niya sa kanyang third term, nangako ng good governance si Vico? Baka mapako na naman iko? Abangan!

STUDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with