^

PSN Opinyon

Mga sugalan, laganap na sa Pangasinan!

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

NAGLIPANA ang mga sugalan sa maraming bayan sa Pangasinan at tila nabulag, nabingi at napipi na si police director Col. Rollyfer Capoquian.

Maraming peryahan-sugalan sa Alcala, Asingan, Bin­maley­, Bautista, Binalonan, Calasiao, Mapandan, Mangaldan, Manaoag, Malasiqui, Pozorubio, Rosales, San Fabian, San Jacinto, San Nicolas, Sison, Tayug, at Umingan.

Laganap din ang sugalan sa mga lungsod ng San Carlos, Dagupan, Alaminos, Lingayen at Urdaneta.

Ang mga sugalan ay monopolyo nina Engr. Flores, Alvin Magat, magkapatid na Roland at Rene Ibasan at Ronald Oldac.

Ang tagalikom ng lingguhang payola para sa pulisya ay sina Alyas Pidlaoan, Alyas Castro at Alyas De Vera. Nakadikit umano ang tatlong ito kay Col. Capoquian.

Nakababahala na sa pagdami ng mga sugalan sa Pangasinan ay dumami rin ang mamamayan na malulong dito. Marami nang nasirang pamilya dahil sa pagkalulong sa sugal.

At ang mas nakakatakot, pati mga kabataan ay nalu­lulong din sa sugal. At kapag lulong sa sugal ang mga kabataan, malululong din sila sa paggamit ng bawal na droga. Lagi nang magkakambal ang sugal at droga. Kung nasaan ang sugal, naroon din ang droga na sabay wawasakin ang kinabukasan ng mga kabataan.

Sa hinaharap, kapag hindi nasupil ng PNP ang pagla­ganap ng mga sugalan sa Pangasinan, lalo pang darami ang kanilang problema sapagkat nakakalat na rin ang droga.

Marinig kaya ng Pangasinan PNP ang malakas na pa­nawagan sa problemang ito? O patuloy na magiging bulag, bingi at pipi dahil sa lingguhang payola?

* * *

Para sa reaksiyon, i-email sa: [email protected]

POGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with