^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Umaariba ang krimen dahil sa illegal na baril

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Umaariba ang krimen dahil sa illegal na baril

BIGO ang Philippine National Police (PNP) na ma­samsam ang mga illegal na baril kaya dumarami ang krimen na may kaugnayan sa election. Naghahatid ng pangamba ngayon ang sunud-sunod na pag­patay sa mga kandidato na parang bumabaril lamang ng manok. Habang papalapit ang May 12 election, pinangangambahan na madaragdagan pa ang mga nangyayaring pagpatay.

Sa report ng Philippine National Police (PNP), uma­bot na sa 26 ang mga naitalang karahasan sa election at 17 sa mga ito ay madugo o karumal-dumal. Naitala ang madudugong karahasan sa Bangsamoro Auto­nomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Cor­dillera Administrative Region (CAR), Zamboanga Peninsula, Ilocos Region, Davao Region at Soccsksargen.

Pinaka-latest na biktima ng karahasan na may ka­ugnayan sa election ang incumbent mayor ng Rizal, Cagayan na si Joel Ruma. Nagtatalumpati sa isang campaign rally sa Bgy. Illuru si Ruma noong Miyer­kules ng gabi ng barilin ng umano’y sniper. Nanggaling umano ang bala sa labas ng gymnasium na pinagdarausan ng campaign rally. Dinala sa ospital si Ruma pero dead-on-arrival ito. Nasugatan naman ang dalawa pang kasama ni Ruma.

Dalawang linggo na ang nakararaaan, binaril din habang nangangampanya si Albuera, Leyte candidate Sherwin Espinosa. Nasa loob ng covered court si Espinosa nang barilin. Tinamaan siya sa braso. Mga pulis ang suspect sa tangkang pagpatay kay Espinosa na tumatakbong mayor.

Labimpitong araw na lamang bago ang May 12, 2025 election at habang papalapit ito, parami naman nang parami ang mga nagaganap na karahasan. Ang pagkilos ng PNP para mapigilan ang karahasan ang tanging inaasahan. Sabi ng PNP, nakahanda sila para mapanatili ang katiwasayan habang papalapit ang election. Maraming pulis umano ang naka-deploy sa mga lugar na itinuring ng Comelec na “hot spots”.

Nakaalerto umano sila at nakahanda sa mga maghahasik ng kaguluhan.

Nararapat na paigtingin pa ng PNP ang pagbabantay at palawakin ang kanilang “intelligence community” upang maamoy ang mga taong maghahasik ng kaguluhan sa panahon ng election.

Sikaping mabatid ang mga pulitikong may private army para mapigilan ang karahasan. May armory ang mga pulitiko at handang makipagpatayan sa kalabang kandidato para mapanatili ang kapangyarihan sa lugar. Walang pakialam ang mga pulitiko kung may madamay mang sibilyan sa kanilang pag-aagawan sa trono.

Pinakamahalagang madisarmahan ng PNP ang hukbo­ ng mga pulitiko para masigurong magiging ma­payapa ang election. Hangga’t may mga baril ang magkakalabang pulitiko, magpapatuloy ang karaha­san. Sam­samin ang mga baril.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with