^

PSN Opinyon

Umiwas sa maalat na pagkain

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Para maging malusog, ugaliin na bawasan ang alat sa pagkain. Ito ang payo ng mga eksperto.

Maraming sakit ang maidudulot ng sobrang daming asin sa pagkain. Puwedeng magka-alta presyon, mahina ang puso, sakit sa atay, sakit sa kidneys at manas sa paa.

Kapag maraming asin sa katawan, hindi mailalabas ng kidneys ang sobrang tubig sa katawan. Ito ang sanhi ng high blood pressure kung saan puwedeng humantong sa stroke at atake sa puso.

Payo para mabawasan ang asin sa katawan, subukan ito:

1. Ang normal na diyeta ay may 7-15 grams ng asin bawat araw. Sa may high blood, dapat itong ibaba sa dalawang grams ng sodium bawat araw lamang.

2. Huwag nang magdagdag ng asin sa pagkain. Kung ano ang timpla, iyon na lang ang kainin.

3. Kung mahilig sa instant noodles, kalahating seasoning na nasa pakete lang ang ilagay. Huwag ubusin ang sabaw dahil andoon ang lahat ng asin.

4. Limitahan o iwasan ang pagkain ng maaalat na sitsirya tulad ng potato chips, chicharon, mani at kornik.

5. Bawasan ang pagkain ng tuyo, daing, tinapa at bagoong alamang dahil napakaalat nito. Gulay, prutas at inihaw na isda ang piliin.

6. Bawasan ang paggamit ng asin, toyo, patis, bagoong at tausi sa niluluto o bilang sawsawan.

7. Suka at kalamansi na lang ang gawing kapalit na sawsawan.

8. Imbes na adobong manok, puwede rin ang “sweet and sour sauce” sa manok.

9. Ang pagkaing Pinoy tulad ng adobo, beef steak at binagoongan ay madalas maalat ang pagkatimpla. Kapag maalat ang timpla, limitahan ang pagkain ng sarsa.

PAGKAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with