^

PSN Opinyon

Makalulusot ba si VP Sara?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SABI ng latest survey, kasabay ng pagsadsad ng trust rating­ ni President Bongbong Marcos, tumaas naman ang rating ng senatorial bets na pro-Duterte. Kung mapananaligan ito, posibleng ngingiti-ngiti na ang Vice President porke luma­kas ang posibilidad na malusutan niya ang impeachment trial ng Senado.

Kumpiyansa raw si VP Sara at ang kanyang legal team na maipananalo nila ang impeachment complaints na isi­nampa laban sa kanya. Hindi nga malayong mangyari ito kung ang bubuo ng mayorya sa Senado ay mga mambabatas na kakampi ng mga Duterte.

‘Yung mga handang mamatay para idepensa ang kani­­lang dinidiyos na dating Presidente Digong Duterte kahit pa nahaharap sa paglilitis ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague sa kasong crimes against humanity.

Pero kung mahahalal muli si Sen. Bato dela Rosa at iba pa, nakakakita ako ng malaking kaguluhan sa hinaharap. Ito ay kapag ipinalabas na ng ICC ang arrest warrant laban sa kanila.

Si Bato ay ikalawang prime respondent sa kasong kinasasangkutan ni Digong. Natural, komo miyembro ng Se­nado, bibigyan siya ng karampatang proteksiyon.

Samantala, malusutan man ni Sara ang impeachment trial, problema pa rin ang kaso ng dating Presidente sa ICC. Tanggap na rin ni Sara ang posibilidad na mahirap nang maibalik sa Pilipinas ang kanyang ama.

Ngunit kung maaabsuwelto si Sara sa trial, lalakas ang posibilidad na siya ang mahahalal na Presidente sa 2028. Kung mangyari iyan at si dating President Digong ay ma­hatulan o manatiling nakapiit sa ICC, krisis pa rin ang kaha­harapin ng Pilipinas sa international community. Presidente na ng Pilipinas ang papalag sa masamang kahihinatnan ni dating President Digong.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with