3Gs, talamak sa Cabuyao City!
UMIIRAL na ang guns, goons and gold (3Gs) sa Cabuyao City, Laguna at dapat kumilos na si Comelec chairman George Garcia bago sumabog ito. Hindi naman mahihirapan si Garcia na i-monitor sa kaganapan sa Cabuyao dahil laman naman ito ng social media.
Base sa mga online posts ng mga concerned citizens laganap o umiiral na ang paglabag ng Omnibus Election Code. Sanamagan! Nandiyan mga kosa ang mga ulat ng vote buying, flying voters at maging ang pananakot sa mga botante para pigilan silang suportahan ang mga kandidatong kanilang napupusuan.
Siyempre, dahil nabanggit ang Cabuyao City ang tumatakbo roon ay si re-electionist Mayor Dondon Hain at ang utol niyang si councilor Richard Hain. Ang magkapatid na Hain kaya ang tinutukoy na nasa likod ng 3Gs? Tsk tsk tsk! Ambot sa kanding nga may bangs!
Si Mayor Hain mga kosa ay makakatunggali si incumbent Vice Mayor Leif Opina, samantalang si Councilor Hain naman, ang makakatapat ay si incumbent Gov. Ramil Hernandez sa pagka-kongresista sa second disrict.
Ang Marites ng mga kosa ko, suportado ng mga taga-Cabuyao si Opina at si Hernandez ay lamang ng ilang paligo kay konsehal Hain. Kung sabagay, kung ikaw nga naman ang bagong sibol na konsehal na sasagupa sa mahusay, popular at poging gobernador, malamang gagawin mo rin ang lahat, sukdulan ang mandaya at manakot para manalo. Araguyyy!
Ayon sa mga online post ng mga taga-Laguna, tulad nitong “Kampana ng Cabuyao” na umani ng libu-libong reaksiyon, natatalo raw sa mga survey ang mag-utol na Hain. Kaya hindi nakapagtataka kung lahat ng paraan, na wala sa libro ng Comelec, gagawin nila para maungusan sina Opina at Hernandez. Dipugaaa!
Maraming lider nina Opina at Hernandez ang nakakatanggap ng mga sulat ng pagbabanta na may kasamang bala. Ang isa pa sa kanila ay nakatanggap din ng sulat na tinatakot siya na baka “magaya kay Percy Lapid”, kung hindi hihinto sa pagsuporta kay Opina at Hernandez. Nakupooo!
Hilaw pa nga ang pagkalutas ng kaso ni Ka Percy ay baka masundan pa kapag nagpakaang-kaang si Garcia, di ba mga kosa? Bago ang mga pananakot na ‘yan, lumabas din sa mga online at traditional media na mahigit sa 60 katao, na mga hinihinalang flying voters, na gumamit ng iisang address sa nasabing lungsod ay nakapagparehistro. Ano ba ‘yan?
At ang ginamit nilang address ay ang 347 Hain Compound, Bgy. Niugan, Cabuyao City. Tsk-tsk-tsk! Sabit na naman ang Hain brothers ah! Ang sakit sa bangs nito!
Kung sabagay, nauna ng nagpahayag si Garcia na pagpapaliwanagin ang Hain brothers at maglalabas sila ng show cause order sa kumakalat na balitang talamak na bilihan ng boto sa kanilang compound na kung tawagin ay “paletahan”.
Base sa nakalap na mga ebidensya, halos araw-araw umano na nagpapapila ng daan-daang mga botante ang mga Hain sa kanilang “paletahan”, na kunwari kinukuha nilang mga poll volunteer o watcher ang mga ito. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Kung totoo ang mga balitang ito, hindi na dapat magpatumpik-tumpik pa si Garcia para aksiyunan agad mga ito bago pa may hindi magandang mangyari sa Cabuyao City. Ganun na nga! Abangan!
- Latest