^

PSN Opinyon

Pilipino ba ang next Pope?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Sumagi ito sa isipan ko: nang dumalaw sa Pilipinas si Pope Francis noong 2015, paglabas niya sa pintuan ng eroplano sa NAIA ay inilipad ng hangin ang kanyang zucchetto. Ang succhetto ay ang maliit na skullcap na nakaputong sa ulo ng mga obispo. Ito ay sagisag ng awtoridad ng opisyal ng simbahan.

Nang liparin ng hangin ang putong na ito, wala sigurong nakaisip na may mensaheng dala-dala ito. Medyo malakas ang hangin at natural lang na may ganoong mga pangyayari.

Ngayon ko lang naisip na maaaring may pahiwatig ito na ang susunod na Papa na magsusuot nito ay baka isang Pilipino. Ang ating cardinal na si Antonio Luis Tagle ay napa­pabalitang paborito ni Pope Francis dahil sinusuportahan nito ang mga repormang isinasagawa ng pinuno ng Simba­hang Katoliko.

Magugunita natin na mismong ang Papa ang nagtalaga kay Tagle sa isang mataas na position sa Vatican. Marami ang nakapansin na sa lahat ng mga Cardinal sa Vatican, si Tagle ang madalas kausapin ng Papa nang sarilinan.

May mga nagsasabi ring Vatican insiders na may mga pahiwatig ang Papa na gusto niyang pumalit si Tagle sa kanya sa Papacy. Of course hindi naman ang gusto ng Papa ang masusunod dahil ang Papa ay pinagbobotohan ng college of cardinals. At siyempre palaging napapasukan din ng pulitika ang eleksiyon ng isang Papa.

Lubhang radikal ang mga repormang nais ipatupad ni Pope Francis kasama na ang pagkilala sa karapatan ng mga members ng third sex na tinututulan ng mga konserbatibong kaparian. Kung suportado ni Tagle ang ganyang mga pagbabago, maaaring maging hadlang ito sa kanyang tsan­sang maging kauna-unahang Pilipinong Papa.

Ngunit Ano’ng malay natin? Sabi nga ng awitin, “Que sera sera, whatever will be, will be”. Diyos lang ang nakakabatid kung sino ang magiging kapalit ni Papa Francisco.

NAIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with