^

PSN Opinyon

Ferrari na pinag-ipunan ng 10 taon, nasunog sa unang biyahe!

MGA KUWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Kumakalat ngayon sa Japanese social media ang kuwento ng isang music producer na tila sinubok ng tadhana matapos masunog ang kanyang bagong biling Ferrari 458 Spider na nasunog habang kanyang minamaneho.

Si Honkon, 33-anyos na music producer ng idol group na Chocorabi, ay gumastos ng 43 million yen (P16.4 million) para sa kanyang dream car.

Ngunit sa halip na pagaspas ng hangin sa open-top luxury car ang kanyang maranasan, usok at apoy ang kanyang nalanghap sa unang pag-drive niya nito.

Ayon sa kanyang post sa X (dating Twitter), nangyari ang insidente noong Miyerkules (Abril 16) habang minamaneho niya ang Ferrari sa Shuto Expressway sa Tokyo.

Napansin niya ang puting usok habang nasa kalsada. Sa una’y inakala niyang mula ito sa katabing sasakyan, ngunit nang umalis ang kotse, natuklasan niyang sa kanyang Ferrari mismo ito nagmumula.

Agad siyang huminto, bumaba ng sasakyan, at tumawag ng bumbero. Ngunit sa loob ng 20 minutes, wala na siyang nagawa kundi panoorin ang unti-unting pagkasunog ng kanyang dream car.

“Pinag-ipunan ko ito sa loob ng sampung taon, tapos picture na lang ang natira,” ani Honkon sa kanyang post, kalakip ang retrato ng nasusunog na sasakyan. “Siguro ako lang ang nakaranas ng ganitong klaseng kamalasan sa buong Japan.”

Ayon sa Tokyo Metropolitan Police, walang palatandaan ng collision o bangga ang sasakyan ni Honkon. Pinaniniwalaang nagmula ang apoy sa makina, ngunit patuloy pa rin ang imbestigasyon kung ano talaga ang sanhi ng sunog.

Sa kabila ng trahedya, nagpapasalamat pa rin si Honkon na nakaligtas siya. “Akala ko sasabog na ang sasakyan,” aniya. “Masuwerte pa rin ako’t buhay.”

JAPANESE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with