^

PSN Opinyon

VIP junket account holder, tinutugis sa kaso ni Que!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

GINAGALUGAD sa ngayon ng mga awtoridad ang posibleng lungga ng isang casino VIP junket account holder na may malaking papel sa kidnap-slays nina steel magnate Anson Que o Anson Tan at driver na si Armanie Pabillo. Titiyakin ng SITG na binuo ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na hindi makalalabas ng Pinas si VIP junket account holder nang sa gayon ay panagutan niya ang krimen.

Sinabi ng mga kosa ko na sa account ni VIP junket dumaan ang P260 milyon na ipinadala ng pamilya ni Que, sa apat na tranches. Tsk tsk tsk! Hindi pa batid ng mga kosa ko kung itinuga na ng suspect na si David Tan Liao alias Xiao Chang Jiang, Jang Jianmin, at Michael Agad Yang si VIP junket sa SITG.

Kung sabagay, hindi na makalabas ng Pinas si VIP junket dahil paso na ang mga papeles niya, ayon sa mga kosa ko. Hindi lang ‘yan! Wanted din ito t’yak sa China dahil sa pagkasangkot niya sa POGO operations. Sanamagan!

Kumalat naman sa Chinese community ang litrato kung saan magkasama sina Yang at Que. Ito ay noong nanumpa sila bilang opisyales ng Tiao Yuan Tang organization.

“Kidnapper Mr. Yang, and kidnapped victim Anson Tan aka Anson Que… Look closely at the 2 persons encircled …taking oath as officers…They belong to the same organization Tiao Yuan Tang…He never knew his kidnapper/killed is just behind his back,” ‘yan ang caption ng kumakalat na pictures.

May picture din si Yang kung saan itinuturo na rumenta ng bahay sa isang bahay sa Meycauayan, Bulacan kung saan tinago sina Que at Pabillo. Mayroon pang pics ni Yang na kasama sina Sen. Imee Marcos, dating spokesman Harry Roque at retired general Tom Lantion. Bigatin pala si Yang ‘no mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Si Que ay umalis sa kanilang bahay sa Valenzuela City na naka-Amerikana dahil may kakausapin ito sa Macapagal Ave., sa Pasay City noong Marso 29. Subalit lumabas sa backtracking sa CCTV na hindi nakalabas ng toll gate sa Pasay ang Lexus ni Que at imbes ay nag-U-turn ito pabalik sa Meycauayan kung saan na-set up siya ng babaing Chinese.

Kinabukasan, nakatanggap ng ransom demand ang kanyang pamilya na nagbayad naman sa pamamagitan ng cryptocurrency, na mahirap ma-trace. Kaya’t hindi lang ang PNP ang kumikilos para sagpangin si VIP junket, ang recipient ng ransom money. Pumasok na rin sa kaso ang Naval Intelligence and Security Force (NISF), kaya lang lubog lang sila. Dipugaaa! Ang sakit sa bangs nito!

Si Yang ay sumuko, matapos maaresto ang mga kasamahan na sina Richard Austria David alias Richard Tan Garcia, at Raymart Catequesta alias Taba sa Palawan. Natakot din si kolokoy na itumba siya ng grupo ni VIP junket. Mismooo! Maliban sa babaing Chinese, may dalawa pang Chinese principals na pinaghahanap ang SITG.

Ayon sa PNP, may 13 kaso ng kidnapping sa taon na ito, at lima rito ay maaring kinasangkutan ng grupo ni Yang. Halos parehas kasi ang modus operandi na na-employ ng tropa ni Yang sa pagdukot sa mga biktima nila. Araguyyy!

Samantala, natuwa at nagpasalamat ang pamilya ni Que kina Marbil, CIDG director Maj. Gen. Nicolas Torre III, AKG director Col. David Poklay, at ACG director Brig. Gen;. Bernard Yang sa maagang pagkalutas ng kaso.

“Your tireless efforts made a real difference in the early arrest of the malefactors and we are grateful for your perseverance,” ayon sa abogado ni Que na si Atty. Mei Go. “We highly appreciate your bravery and courage in keeping our community safe.” Stay tuned mga kosa! Abangan!

VIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with