^

PSN Opinyon

Lalaki nagpadala ng bomb threat sa cruise ship matapos iwanan at gawing tagapag-alaga ng aso!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAHATULAN ng walong buwan na pagkakakulong ang isang 19-anyos na lalaki sa Michigan, U.S.A. matapos siyang magpadala ng pekeng bomb threat sa isang cruise ship kung saan nakasakay ang kanyang girlfriend!

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Joshua Darrell Lowe, na umamin sa krimen matapos ma-trace ng FBI ang isang email na naglalaman ng babala ukol sa diumano’y bomba sa barkong Carnival Sunrise. Sa email, sinabi ni Lowe: “Hey, I think someone might have a bomb on your sunrise cruise ship.”

Nag-ugat umano ang kanyang aksiyon sa matinding tampo at selos, dahil naiwan siyang tagapag-alaga ng mga aso ng pa­milya ng kanyang nobya habang ang mga ito’y nag­bakasyon sa Caribbean patungong Jamaica noong Enero 2024.

Dahil sa banta, agad na nagsagawa nang malawa­kang seguridad ang cruise line. Mahigit 1,100 kuwarto ang pinainspeksiyon, habang pinagtulungan ng mga awto­ridad ng U.S. Coast Guard at ng mga opisyal sa Jamaica ang pag-escort sa barko pabalik sa daungan.

Sa pahayag ni Assistant U.S. Attorney Nils Kessler, sinabi niyang “Ang sinumang magbabanta ng bomba ay parurusahan ng gobyerno. Mabuti na lamang at walang nasaktan sa insidenteng ito.”

Sa harap ng korte, nagpakumbaba si Lowe at mababasa sa kanyang sulat kay U.S. District Judge Paul Maloney, sinabi niyang: “This is all my fault and I take full responsibility. It should have never happened.” Idinagdag pa niya na tinatahak na raw niya ngayon ang landas ng pana­nampalataya at nagsusumikap maging mas responsable.

Ayon sa mga rekord ng korte, si Lowe ay naninirahan noon sa Muskegon County, Michigan, kasama ang pamilya ng nobya. Inamin niyang dala ng emosyon ang pag­papadala ng mensahe na kalauna’y nagdulot ng takot, abala, at aksiyon mula sa lokal at internasyonal na awtoridad.

Nagbabala naman si FBI Michigan Special Agent Cheyvoryea Gibson laban sa mga ganitong uri ng biro. “Hindi biro ang bomb threats. Bukod sa pag-aaksaya ng oras at resources, ito’y nakapagdudulot ng pangamba. Sisiguraduhin naming mananagot ang sinumang gumawa ng ganitong pananakot.”

Si Lowe ay nahatulan sa kasong false information and hoaxes, isang federal offense na may maximum penalty na limang taong pagkakabilanggo. Sa kanyang kaso, ibi­naba ito sa walong buwan dahil sa kanyang pag-amin at pakikipagtulungan.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with