^

PSN Opinyon

Brendon dela Rosa, kolektor ng payola para sa PNP

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

SI Brendon dela Rosa ang tagakulekta umano ng lingguhang payola para sa kapulisan mula sa nagkalat na saklaan at peryahan sa Tarlac City, Capas, Concepcion at Paniqui.

Kinupirma ito ni Tarlac police provincial director Col. Miguel Guzman.

Sa kapangyarihang iginawad ni Guzman kay Dela Rosa, tiklop na ang kolektor na si JoJo Phyton.

Kay Dela Rosa kasi, sigurado ang weekly payola para sa pulisya, mayors, at iba pang opisyal ng probinsiya.

Ang operators ng mga saklaan at pergalan ay bow na lang nang bow kay Dela Rosa dahil kung hindi magsasarado ang mga iligal nilang gawain.

Multi-milyong iligal na negosyo ang nakasalang sa harapan ni Guzman.

Sa P5,000 na kinukubra ni Dela Rosa bawat lamesang saklaan araw-araw mula sa mahigit 80 lamesa, umaabot ng P400,000 araw-araw o P2.8 milyon kada-linggo ang suma-total na payola para sa pulisya at mayor.

Ibang usapan pa ang kinukubra ni Dela Rosa bawat lamesa araw-araw sa mga sugalan nina Charlie, Ricky, Lory at Gloria na nagkalat din sa mga bayan sa Tarlac.

Ang tanong ay kung nakaaabot lahat ang padulas ng mga illegal na pasugalan sa mga among pulis ni Dela Rosa. Hindi kaya mag-hudas si Dela Rosa sa kanyang mga among police officials?

Tiyak na sa galing ng paniktik ng iba pang law enforcement agencies sa Tarlac, naaamoy na nila ang mga iniikutan ni Dela Rosa gamit ang authority ni Guzman upang makapangalap ng protection money.

Naaamoy na kaya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang iligal na gawain ni Dela Rosa?

O katulad din ng operasyon ng POGO sa Bamban ng dating Mayor Alice Guo na nagmamaang-maangan ang mga pulis at local officials doon? Wala silang nalalaman kahit malapit na sa tungki ng kanilang ilong ang masangsang na operasyon ng mga illegal na gawain.

* * *

Para sa reaksiyon, i-send sa: [email protected]

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with