Pasko ng Muling Pagkabuhay
ANG Holy Week ay nagtatapos ngayong araw na ito na tinagurian nating Pasko ng Muling Pagkabuhay.
Happy Easter ang naging bati natin sa lahat lalo na sa mga bata na masayang nagpaligsahan sa paghahanap ng makulay na Easter eggs.
Ang mga nasabing Easter eggs ay tinatago ng mga nakakatanda upang maging masaya ang paghahanap.
Ngunit para sa ating mga naniwala sa Christianity, lalo na mga Katoliko, ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ay mas malalim pa ang ibig sabihin nito kaysa makulay na mga Easter eggs.
Sa araw na ito tayo ay muling binigyan ng pag-asa ng Panginoon na magbagong buhay lalo na at naghihintay sa atin ang pangako ng Diyos kung tayo ang susunod sa kautusan ng Diyos sa ating buhay.
Ganun na rin sa mga pulitikong tumatakbo at magpapaboto ngayong darating na halalan sa Mayo 12.
Sana natinag ang kanilang mga puso at mapagtanto nila na ang public service ay para sa ikabubuti ng sambayanan at hindi upang patabain ang kanilang mga bulsa.
Sana ang ating bansa ay magtamasa sa ikabubuti dulot ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.
- Latest