^

PSN Opinyon

‘Holy Water’ na galing sa isang balon sa Africa, muntik nang maging sanhi ng cholera outbreak sa Europe!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

PITONG kaso ng cholera sa Germany at United Kingdom ang iniugnay sa paggamit ng tubig mula sa isang tanyag na “holy well” sa Ethiopia na napatuna­yang kontaminado ng ­Vibrio cholerae bacteria.

Ayon sa ulat ng Eurosurveillance, isang European infectious disease monitoring agency, tatlong pasyente mula U.K. at dalawang mula Germany ang napaulat na bumisita sa Quara district sa Ethiopia noong January, kung saan nila nainom at ginamit ang tubig mula sa balon ng Bermel Giorgis, isang lugar na sagrado sa Ethiopian Orthodox Tewahedo Church.

Pinaniniwalaang ang “holy water” ay may taglay na bisa na makapagpagaling ng sakit, dahilan kung bakit ito iniinom at ipinapahid sa mukha ng mga deboto at turista.

Ilang bote ng tubig mula sa balon ang dinala pauwi sa Europe ng mga turista at naipamahagi rin sa iba, na kalauna’y nagpakita ng sintomas ng kolera gaya ng matin­ding pagtatae at pagsusuka.

Sa pagsusuri sa mga bote ng tubig, natuklasang naglalaman ito ng Vibrio cholerae bacteria. Ayon sa mga eksperto, nanatiling buhay ang bacteria kahit sa mahabang biyahe at sa malamig na klima ng Europe.

Lalo pang ikinabahala ng mga awtoridad ang pagkakatuklas na ang nasabing strain ng cholera bacteria ay resistant sa maraming klase ng antibiotics, kabilang ang fluoroquinolones, trimethoprim, at macrolides.

Bagama’t epektibo pa rin dito ang tetracycline, binigyang-diin ng mga eksperto ang ­panganib ng pagkalat ng antibiotic-resistant bacteria sa rehiyon.

Naagapan ang posibilidad ng outbreak sa Europa, ngunit nanawagan ang mga eksperto sa publiko, lalo na sa mga biyahero, na maging maingat sa pag-inom ng tubig sa mga lugar na hindi tiyak ang kalinisan, kahit pa ito ay may relihiyosong kahalagahan.

“Dapat ay may sapat na impormasyon ang mga manlalakbay tungkol sa hygiene at posibleng sakit sa mga bansang kanilang binibisita,” ayon sa babala ng Eurosurveillance.

STORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with